Epilogue Part 2

3K 46 1
                                    

RUBY

 

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko na ang paraiso na nasa haarapan ko.

Nagdrive na ako papunta sa entrance nito at bumaba na. Pagkababa ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng isang empleyado na nakaantabay sa mga pumapasok ng hotel resort na iyon.

“Good evening Ms. Del- Mrs. Chavez.” Napayuko naman ito sa harapan ko dahil sa pagkakamali ng pagbati sa akin.

“Goodevening.” Ganting bati ko naman sa kanya saka ko na iniabot sa kanya yung susi ng kotse ko.

Nakita ko namang may iniradyo sya bago ako pumasok sa lounge ng hotel.

“Good evening Ma’am Red. Bakit hindi man lang po kayo nagpasabi na pupunta pala kayo ngayon?” pangbungad na bati sa akin ng GM ng hotel na tutuluyan ko pansamantala.

Nginitian ko naman siya.

“Biglaan lang din ang pagpunta ko dito Manager Perez. Anyway, ready to use ba yung penthouse?” tanong ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako bago sumagot. “Lagi ko naman pong pinapalinis ang penthouse kahit wala kayo dito. Let’s go?” saka niya inilahad ang kamay niya papuntang private elevator na tanging may-ari lang ng hotel ang gumagamit.

Kanina pa ko nakatitig sa mga bituin na nakasabog sa langit. I just can’t sleep. Nakahiga na ko sa king-sized bed na nandoon. Fiber glass ang kisame ng kwarto na iyon kaya kitang kita ang kagandahan ng kalangitan lalo na kung gabi.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinatay kong cellphone kanina. Huminga muna ako ng malalim bago bumukas ito ng tuluyan. Gaya ng inaasahan ko ay dagsa ang mga mensahe na pumasok doon. 15 messages lahat.

Una kong binuksan ang dalawang text ni Kuya sa akin.

From: Kuya Blue

Where are you? Hinanap ka ng asawa mo sa’kin. Are the two of you fighting?

--

Manager Perez told me na nasa Ruby ka. I won’t tell King until you give me a permission to do so. Take care of yourself. I love you bunso.

Nagtype naman ako agad ng reply sa kanya.

To: Kuya Blue

Thank you Kuya. I love you too.

Binuksan ko naman ang iilan pang mensahe doon na pulos naghahanap sa akin. Nireplayan ko naman silang at sinabing ok lang ako at wag na silang mag-alala sa akin. Huli kong binuksan ang limang mensahe ni King sa akin.

From: King Chavez

Where the hell are you?

-

Did you just left without saying anything?

-

Let’s talk about this.

-

Fine.

-

Do whatever you want!

Napabuntong hininga na lang ako sa huling mensahe na pinadala niya sa akin. So, does that mean he’s letting me go?

Agad ko namang kinuha yung laptop ko saka ko binuksan yung email ko. I’m going to London as soon as I can.

SOFITEL LONDON ST. JAMES

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa hotel na tutuluyan ko for the next five months.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon