Article LXV

1.9K 41 0
                                    

“Can you give me this one, Red? Atleast for once without asking a question?” sagot sa akin ni Mirai habang nakatingin sa malayo.

Tinitigan ko naman sya habang nakakunot ang noo ko. Teka lang ah. Alam kong wala kami sa Pinoy Henyo para maghulaan. And for our friendship’s sake! Hindi ko sya maintindihan!

“I don’t understand you.”

“Hindi mo pa maiintindihan... sa ngayon.” Seryoso nyang sabi sa akin habang nakatitig na sya sa mata ko na parang nagmamakaawa.

“Napakaimposible mo naman kase Mirai!” sagot ko sa kanya habang tumaas na yung boses ko. Nakakaubos ng pasensya yung charade na ginagawa nya ngayon.

Napasabunot na lang sya sa buhok nya dahil sa frustration.

“Damn, Red. She’s back.” Nanghihinang tugon nya sa akin.

Para namang biglang may tumambol sa dibdib ko.

“S-Sinong-?”

“Joyce is back Red. Hindi ko sinasadya pero nakita kong sinundo sya ni King kahapon. Bullshit! But they look so happy seeing each other again!” hindi makapaniwalang wika nya sa akin.

Lahat ng sinabi nya narinig ko. Lahat ng lumabas mula sa bibig nya ay tumimo sa dibdib ko. Alam kong bumalik na si Joyce. But, so what? Threat ba sya?

Nginisihan ko naman si Mirai.

“Then, good. Natural lang naman na masaya sila sa isa’t isa dahil matagal na silang magkaibigan.” Paliwanag ko kay Mirai na nakatingin sa akin habang umiiling na parang hindi makapaniwala.

Sa isang iglap ay rumehistro sa mga mata nya ang pagkaawa sa akin.

“Basta tatandaan mo lang Red na nasa party lang din kami bukas ni Drave. Kahit sinong kailanganin mo sa amin, nandoon lang kami.” Wika nya.

Napatulala na lang naman ako sa kanya.

“Ayaw mo ba talaga?” huling tanong sa akin ni Mirai bago nya ko iniwan matapos kong titigan lang sya.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon