Article XLIV

2K 37 0
                                    

Umuwi ako na gulong gulo sa mga pangyayari. Hindi ko akalain na kakayanin kong sabihin ang lahat ng iyon kay King. Pero iyon naman ang totoo. Na ginamit ko lang sya para makuha yung gusto ko. Bigla ang pagbalik sa akin ng realisasyon. Hindi ko pa nga pala nakikita kung ano yung laman ng volt na yon. Dali dali kong kinuha ang susing ibinigay sa akin ng Daddy ni King at nagmamadaling nagdrive pauwi sa bahay namin sa Pampanga.

After 2 hours of driving nakarating din ako sa bahay namin. Ganun pa rin ito. Malaki. Tahimik. Malungkot. At walang kabuhay buhay. Nadatnan ko doon ang nag-iisang gwardya na tanging tao sa bahay namin na yon. Ang alam ko ay may binabayaran si Kuya para mapanatiling malinis ang buong bahay ngunit umuuwi din ito kapag gabi na.

Binusinahan ko lang ang gate at nakita kong sumaludo na agad sa akin yung nagbabantay dito. Kelan pa ba ko huling napadpad dito? 2 years ago? 3? Hindi ko na matandaan. Ang alam ko si Kuya ang sumisilip silip sa bahay na ‘to tuwing may pagkakataon sya. Pero ako? Kung pwede nga lang na hindi na tumapak pa dito ginawa ko na. Masakit sa akin na balikan ang nakaraan. Itong bahay na to ang nagpapaalala sa akin kung gaano kami kasaya dati nung buhay pa sila Mama at Papa at simula nung nawala sila, ni ayaw ko ng tingnan man lang ang bahay na to. Bumabalik lahat ng sakit na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Dahan dahan kong binuksan ang double door na tanging sumalubong sa pagdating ko. Isang hungkag na pakiramdam ang bumalot sa akin ng sa wakas ay masilayan kong muli ang kinalimutan ko ng bahay na ito. Ipinilig ko ang aking ulo at nagsimula ng umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Gusto kong maiyak ng makita ko ang dati kong kwarto. Puro pink furniture ang nandito at parang ni walang nabago. Malinis at walang alikabok. Dapat ko sigurong bigyan ng bonus ang tagapag-linis dito.

Ibinaba ko lang dala kong bag sa kama ko at kinakabahang tinahak ang study room namin. Pagdating ko doon ay nilapitan ko agad ang volt kung saan alam kong sakto ang susing dala dala ko ngayon. Nanginginig ang mga kamay na ipinasok ko ang susi dito at nang marinig ko ang pag-click nito ay para ring huminto sa pagtibok ang aking puso. Eto na ba talaga ang pinakahinihintay ko simula pa nung nagkaisip ako?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя