Article LXII

2.1K 34 0
                                    

“Nagtatampo na ko sayo ah.” Wika ni Kuya habang magkaharap kami sa veranda ng exclusive cabin nya malapit sa pool area.

“Alam ko. Sorry na nga. Biglaan din naman kasi yung pagpopropose ni King, hindi ko rin inexpect yon.” Nakangiting sagot ko sakanya.

“Ba’t ka umoo?” nakataas ang kilay na tanong nya s akin.

Nginisihan ko naman sya bago ako sumagot. “Mahal ko e.”

“You must really love him.” Nakangiting komento naman ni Ate Chi.

Si Ate Chi, yung babaeng inabutan ko sa office ni Kuya Blue kanina nung dumating ako. She’s nice and adorable. Ang cute cute nya tapos ang saya saya pa nyang kakwentuhan. Kaibigan pala talaga sya ni Kuya. Naging magkaklase pala sila nung elementary sila kaya close silang dalawa. Tinutukso ko na nga silang dalawa pero parehas lang naman silang ngumingiti sa akin kapag ginagawa ko yun. Kuya never had that serious relationship with a girl, siguro dahil na rin sa akin. Sa sobrang kakaprotekta nya sa akin nakalimutan nyang may sarili din syang buhay. He’s 25 now at dapat lang na may girlfriend na sya, kaya nga nagiguilty ako na may plano na akong magpakasal samantalang sya na mas matanda sa akin ay ni wala pang girlfriend ngayon.

Nginitian ko naman si Ate Chi. “Ate Chi, may boyfriend ka ba?” curious kong tanong sa kanya, feeling ko si cupid ako ngayon. Ipupush ko talaga silang dalawa kapag walang sabit tong si Ate Chi.

Ngumiti naman sya sa akin at uminom muna sya nung Guyabano Shake nya bago ako sinagot. “May asawa na ko e.” natatawang wika nito.

Halos maibuga ko naman yung laman ng bibig ko sa sinabi nya. She’s frigging married already?!!

“25 ka pa lang diba?” nanlalaki ang mga mata na tanong ko sa kanya.

“Bakit? 20 ka pa lang pero engage ka na ah.” Balik tanong nya sa akin. Natahimik naman ako sinabi nya. May point naman sya, pero sayang lang kasi talaga!

“Kuya? Bakit ba kasi ang bagal mo?!” problemado kong baling kay Kuya Blue na nangingiti at naiiling sa kinauupuan nya.

“Red.. wag mo namang pressurin itong Kuya mo. Bata pa naman sya, at kahit kelan nya maisipang mag-asawa maraming willing dyan na magvolunteer na pakasalan nya, so don’t worry Honey.” Sabi ni Ate Chi.

Ngumuso lang naman ako. Gusto ko talaga sya para kay Kuya.

“Nasan ba yung asawa mo Ate Chi?” usisa ko sa kanya. Baka naman kasi wala naman talaga syang asawa at nahihiya lang syang aminin sa akin na may gusto talaga sya kay Kuya. Nakuuu. Baka ganun nga.

Ngumisi naman sya sa akin. “Nandyan lang sa tabi tabi yon.” Sagot nya sa akin.

“Anong pangalan nya?” hindi talaga ko titigil hangga’t hindi ko napapatunayang wala talaga syang asawa.

“Her husband is the most successful young entrepreneur in South America, his Highness Eury Terrence Grey.” Sagot sa akin ni Kuya, malamang alalm na nya yung tumatakbo sa isip ko.

Lumabi lang naman ako at agad agad kong sinearch yung Eury Terrence Grey na yon! Baka naman mayaman lang tapos panget naman pala, baka naman kasi pera lang ang habol sa kanya ni Ate Chi. Mayaman din naman si Kuya at wala akong pakialam kung maluho man sya dahil kayang kaya naman syang buhayin ni Kuya. Hmp.

Iilang responses lang ang nakuha ko mula sa Google at halos puro balita lang sa newspaper ang nandoon. Tinry ko rin sa Google Images at may nakita nga ako dung picture na magkasama sila ni Ate Chi. Ate Chi is wearing a sophisticated gown while the man beside her looks scary. Hindi scary sa looks ha. He really looks serious at mukhang hindi marunong tumawa. Eto ba yung asawa nya?!

“Yes. That’s my Hubby. Ang gwapo no?” nagulat naman ako ng makita kong nasa tabi ko na si Ate Chi. Nahiya naman akong bigla dahil baka isipin nya na hinahalungkat ko na yung personal nyang buhay.

Hindi naman ako nakaimik sa hiya ko sakanya.

“Ganyan lang talaga yan, mukhang pasan ang lahat ng problema sa mundo. Hindi pa kasi nya namamaster dyan yung tamang pagsmile kaya ganyan yung itsura nya. Pero aminin mo. Ang gwapo diba?” itinaas taas pa nya yung kilay nya sa akin.

Sang-ayon naman ako na gwapo talaga tong Eury na to pero parang hindi naman ata sila bagay ng bubbly na si Ate Chi? He looks dangerous.

Nakapalumbaba pa rin ako nang biglang tumunog yung cellphone ko.

CALLING: King Chavez

Oops. Hindi na naman ako nakapagpaalam.

“Where are you?” parang pagod na tanong sa akin nung nasa kabiang linya.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon