Article XXXVIII

2.1K 44 0
                                    

RED’S POV

“Simulan nyo na.” malamig kong turan sa mga lalaking nasa harapan ko. May mga dala silang baseball bat at nakakatakot na aura. Pero wala akong maramdaman na takot ni katiting.

Unang lumapit sa akin ang matipunong lalaki at sinuntok ako sa may bandang labi. Napangisi ako. Naramdaman ko ang mainit at malapot na likido na tumulo mula sa sinuntok nya pero hindi ako natinag.

“Susunod.” Utos ko sa kanila.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila kong sinapak at hinataw ng baseball bat. Ang nasa isip ko lang ay kung ano ang magiging reaksyon ni King kapag nakita nya ang itsura ko.

Hanggang sa isang malakas na palo ang tumama sa pigi ko dahilan para bumagsak ako sa sahig ng malamig na lugarna iyon.

Masakit.

Syempre masakit. Ikaw ba naman bugbugin pero wala naman akong choice. Ginusto ko naman ‘to di’ba?!

Napangisi na lang ako ng makita kong tumatawag na si King. Malamang nasabi na nung dalawang lalaking inutusan ko yung nangyari sa akin.

Hindi ko na kailangang umarte pa ng nasasaktan ako dahil NASASAKTAN TALAGA KO!

Pagkatapos kong ibaba ang telepono ay alam kong ilang minuto lang ay nandito na rin sya kaya naman sumandal na ko sa may pintuan ng condo ko. Sobrang sakit talaga ng katawan ko. Tsk.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang nagmamadaling yabag papunta sa kinaroroonan ko. Nandito na sya.

Naramdaman ko ang pagyugypg nya sa braso ko pero hindi ako nagreak. Kailangang maawa sya sakin.

“Red... Red..” natataranta nyang tawag sa pangalan ko.

Hinawi nya ang buhok kong nakatabing sa mukha ko para lang makita ang kalunos lunos na itsura ko. Gusto ko talagang mapamura kanina habang tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin. Nakalimutan ko bang sabihin sa kanila na dahan dahan lang sa mukha ko? Tsk.

“R-Red..” gumaralgal ang boses nya at kitang kita kung paano tumulo ang isang butil ng luha mula sa mga mata nya. Alam kong gusto nya kong hawaka sa mga pasang meron ako sa mukha pero natatakot syang masaktan ako kaya niyakap na lang nya ko ng mahigpit.

Tinanong nya sa akin kung sinong may gaa sa akin nito pero napatawa na lang ako. Baliw na yata ako. Naiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko, alam kong malapit na syang mawala sa akin.

Nataranta naman sya agad sa pag-iyak ko.

“Alin ang masakit? RED! NASAN ANG MASAKIT?!” desperado nyang tanong sa akin.

“Lahat..” mahina kong sagot sa kanya. Nakita ko kung gaano gumuho ang mundo nya ng dahil sa sitwasyon ko.

Ang sakit. Akala ba nila si King lang ang sa unang pagkakaton ay nagmahal? Ako rin naman ah. Pero hindi nga pwede dahil sa umpisa pa lang mali na talagang lahat ito.

Nang sinabi ko sa kanyang ayaw kong pumunta sa ospital ay maingat na lang nya kong pinangko papasok sa loob ng condo ko.

Dahan dahan nya akong ibinaba sa kama ko.

“Dito ka lang.. kukuha ako ng panggamot sa mga sugat mo.”

Tinanguan ko na lang sya saka na ko nahulog sa isang madilim na lugar.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon