Article XLVII

2.2K 41 1
                                    

Pinagmasdan ko ang mga estudyante habang abala sila sa kani-kanila nilang mga gawain. May masaya lang na nagkukwentuhan. Nagbabasa. Nagsusulat. Nakahiga. Magkaholding hands. LQ. At tulad kong wala lang magawa at nakatanga. Napahugot ako ng isang malalim na hininga.

Ang tagal na rin simula nung umalis si King. At ang tagal tagal nyang bumalik. Nang  dumating ako nung araw na yon sa Maynila ay nagsimula na agad akong maghanap sa kanya. Pero mahirap nga pala talagang hanapin yung taong nagtatago. Sinabi ko na naman umpisa pa lang na hindi ako matyagang tao. Hinanap ko naman sya hanggang sa napagod na lang ako. Pero hindi ako sumusuko ah. Nagpapahinga lang. Sabi ko na lang sa sarili ko na babalik din yon oras na tapos na syang mag-inarte. Alam ko namang malaki ang kasalanan ko sakanya at niloko ko sya pero handa naman akong pagbayaran ang lahat ng yon basta bibigyan nya ko ng pagkakataon. Tinamaan naman kasi ng magaling na lalakeng yon! Mas maarte pa saken. Napairap na lang ako sa hangin. Buset. Isang taon. Anak ng. ISANG TAON NA KONG NAGHIHINTAY SA KANYA. WALA PA RIN?!!!

“Umiikot na naman yang eyeballs mo dyan. Sino na namang kaaway mo?” tukso sa akin ni Mirai. Inirapan ko lang din naman sya at sumimangot.

Tumawa naman sya mula sa ibaba ng puno kung saan ako nakaupo.

“Iniisip mo na naman ba yung King na yon? Tsk. Sabi na kasing ako na lang e! kung babalik man yun, magpapahard to get pa yon hanggang sa hindi mo na lang namamalayan na gurang ka na kakaintay!” pang-aasar nya sakin. Dali dali naman akong bumaba para kutusan sya.

Wala pa rin namang nagbabago sa samahan namin ni Mirai. Mapang-asar pa rin sya at palagi pa rin syang nasasaktan sa kin. Si Draven? Ok na kami. Pinagtatawanan na lang nya ko pag nakikita nyang tulala ako. Kapag nga may bagong sumasali sa grupo ako na lang lagi ang ginagawang taga-tanong. Mabagsik daw kasi ako. Walang puso at nakakatakot. Ewan ko. Bored lang din siguro ako kaya pumapayag ako sa gusto nya.

Habang naglalakad kami ni Mirai ay may humahangos na humarang sa dinadaanan namin. Napatingin ako kay Mirai habang nagkibit balikat lang naman sya.

“May biglaang pagpupulong mamaya. May mahalaga daw na sasabihin ang Supremo.” Wika nito habang humihingal pa rin.

Napakunot naman ang noo ko.

“Tungol saan?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Ayon sa mga naririnig kong balita ay dumating na ang Frat Master at iaanunsiyo na ang pagpapasa ng posisyon sa kanya ng Supremo mamaya.” Wika nito.

Sukat noon ay bigla na lang pagkabog ng dibdib ko. Bumalik na sya? Totoo kaya? Bigla na lang ang pagkonsulta ko sa sarili ko. Maigsi pa rin ang buhok ko katulad ng buhok ko isang taon na ang nakararaan bago sya umalis. Maraming nagsasabi na nagmature daw ang itsura. Kung dati daw ay mukha pa kong NENE, ngayon daw ay mukha na talaga akong dalaga. Marahil dahil natutunan ko ng gumamit ng face powder at lipstick. Pero sapat na kaya ang lahat ng ito para bumalik sya sa kin? O di kaya’y kahit mapansin lang nya kong muli?

Teka nga. Kelan pa ko naging self-conscious?

I'm Dating The Frat Master (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن