Article XXVI

2.2K 45 0
                                    

“Ang sweet naman nila.”

“Hindi ko napansin na kamasa pala yung girlfriend ni King kagabi.”

“I never thought King would be this inlove..”

Ang mga boses na ‘to ang nabungaran ko ng magising ako. Binuksan ko ng kaunti ang mga mata ko at nakita ko sila na nakapaikot sa aming dalawa ni King. Ayaw ko ng ipaliwanag pa kung gaano kami kalapit sa isa’t isa dahil sinasabi ko na sa inyong susuko ang hangin dumaan sa aming dalawa.

Nanatili naman akong nagtutulug-tulugan dahil ayaw kong ako ang paulanan nila ng tukso. Naramdaman ko naman gumalaw na ng bahagya si King at umungol na para bang naiistorbo sya sa kanyang pagtulog. Ang akala ko ay tuluyan na syang gigising pero nagkamali ako dahil mas hinigpitan pa nya ang pagkakayakap nya sa akin.

Nagulat na lang kami parehas ng batuhin kami ng unan ni Draven.

“Dude, dito na tayo. Tama na yang kahalayan nyo dyan, alam ko namang gising ka na. Tingnan mo nga yung mukha ni Red! Blue na sa higpit ng yakap mo!” malakas na sabi nito. Saka sila nagtawanan ng malakas.

Unti unti namang dumilat si King at ngumisi.

“Kahit kelan talaga panira ka ng araw. Pakyu pare.” Nakangising sabi nito kay Draven.

Nagulat naman ako bigla nya kong halikan ng mabilis sa labi.

“Goodmorning.” Nakangiti nyang bati sa akin.

Oo. Alam kong namumula ang buong mukha ko ngayon pero may magagawa pa ba ko? Nginitian ko naman sya. “Goodmorning.”

Malakas namang tumikhim sa tagiliran namin si Mirai. “Tama na yan.”

Umayos na rin naman kami ng upo at laking gulat ko ng makita o si Joyce na nakaupo sa isang tool at may hawak na mug ng umuusok na tsokolate. Nakafloral summer dress sya at diretsong nakatingin sa amin ni King. Hindi sya kumukilos na para bang naestatwa nang makita nya kami. She’s hurting I know.

“Good morning Joyce. Nandito ka pala?” bati ko sa kanya habang naglalakad na kop papunta sa kanya.

“Ah, oo. Dinaanan lang ako nila Drave kagabi, tulog ka na kasi nung umakyat ako kaya di mo na ko nakita.” Mahinhing paliwanag naman nya sa akin. Tumango naman ako sakanya.

“Everyone!!!” sigaw ni Mirai na may kasama pang palakpak. Nakatayo sya sa may harapan naming lahat habang nakatitig sa akin.

“So, as you can see. Malapit na tayo sa resort namin. Finally. After a looong ride.. mag-ayos na kayo dahil bababa na tayo in just a minute. Salamat.” Sabi nya.

“Ilang araw ba tayo dito?” tanong ko kay King na katabi ko na ngayon.

“2 days and 1 night and then we’ll go back again. Wala ka namang klase diba? Chineck ko na muna yung sched mo bago ako um-oo kay Drave, don’t worry. Come on, eat this..” saka nya sa akin isinubo yung kinakain nyang sandwich. Kung normal na relasyon siguro yung meron kami dapat kanina pa ko kinilig pero dahil isang misyon lang ang lahat ng ito dapat kong paalalahanan lagi ang sarili ko.

Tiningnan ko naman ang naging reaksyon ni Joyce sa ginawa ni King at base sa nakikita ko sa mga mata nya, alam kong oras na mawala ako ay hindi na nya papakawalan pa si King. Bigla akong nakaramdam ng takot sa bagay na hindi ko naman dapat nang pinapalago sa damdamin ko. Mali. Maling mali.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon