Article LXXV

1.8K 33 2
                                    

“Red?” gulat na tanong sa akin ni Mikel ng makita nya ko sa may gilid ng malaking vase nila.

Tiningala ko naman sya saka ko sya nginitian ng walang sigla. “Wala. Just eavesdropping.” Walang pakialam na sagot ko sakanya.

Nanlaki naman ang mata nya sa akin at lumuhod sa harapan ko.

“Narinig mo...” mahina nyang usal.

Tinanguan ko naman sya habang tumutulo ang luha mula sa mga mata ko.

“Tangina. Anong ibig nyang sabihin na ‘ikaw na munang bahala’ sa akin?” puno ng hinanakit na tanong ko kay Mikel habang napapailing sa sakit na nararamdaman ko.

Agad naman akong niyakap ni Mikel ng sobrang higpit.

“Ssshh. Nandito lang ako.” Pang-aalo nya sa akin.

Para namang walang pagsidlan ang nararamdaman kong sakit at wala na kong iba pang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. I never thought loving King will eventually destroy me. Ganito ba sya nung malaman nyang ginamit ko lang sya dati? Ganito rin ba kasakit yon? Ilang beses na kong umiyak ng dahil sa kanya. Hindi ko na yata kaya ang isa pa. I know moving on with my life without him is one of a hell task but I will do it anyway. I don’t know if I can live with the sadness, pero nandito naman si Mikel. Sasamahan nya ko. Alam kong tutulungan nya ko. I need to move on with my life. Sadly, without the King of my life.

AFTER 6 MONTHS

Mikel Tiongson: Where are you?

Masigla ko naman syang nireplyan habang papalabas ako ng library.

Red DV: Just went out from the Library. Why?

Ilang segundo lang ay nagreply na agad sya.

Mikel Tiongson: Just checking you out. I’m going to fetch you later after school, akey?

Red DV: Akey. :)

Mikel Tiongson: See you later. You take care. :)

Red DV: You, too. :)

Ipinamulsa ko naman na ulit yung cellphone ko. Hindi pa kami ni Mikel. Hindi PA. But there’s a rumor spreading in the campus that we are already dating. Although we don’t have the interest to confirm it. Ganito kami araw araw. Sa loob ng kalahating taon parang nagbago kaming dalawa. Suddenly, it felt like we are committed to each other. Marami ring nagtatanong kung anong nangyari sa amin ni King, but I didn’t waste a word to answer them. As if King would care, too. Ni hindi na nga sya bumalik simula nung umalis sila ni Joyce at IPAUBAYA nya ako kay Mikel. What a term. Ipaubaya. Para lang akong pusa. Well, I moved on. Hindi ako bobong tao para magpakatanga sa kanya.

Papunta na sana ako sa susunod kong klase kahit 1 hour early pa ko nang maalala kong may kukuhanin nga pala ako sa laocker ko. Lumiko naman ako ng mabilis at naglakad ng mabilis papuntang locker ko.

Pagkasuksok ko pa lang ng susi sa locker ko ay parang may nararamdaman na kong kakaiba. There’s something weird in the ambience of the place. Dati na naman akong nagpupunta dito pero parang may iba.

Pagkabukas ko ng locker ko ay isang itim na sulat ang nahulog mula doon. Pinulot ko iyon a dahan dahang binuksan. Kumakabog ang dibdib ko. Bakit hindi? Magdadalawang taon na simula nung makahawak ako ng itim na liham.

I’m back. And you have a lot of explaining to do. – Supremo

 

 

 

 

Damn.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon