Special Chapter 1

3.6K 64 6
                                    

Salamat sa 48+k reads! Magpaparty ako kapag nag-1k yung votes! :)

SPECIAL CHAPTER 1

“W-What are you doing here?” nauutal at mahina kong tanong kay King habang nangungunot ang noo.

“Sinusundo ka.” Simpleng sagot nito saka nya na kinuha yung maleta na dala dala ko.

Napaawang yung bibig ko dahil may gusto pa sana akong sabihin pero hindi ko naman alam kung ano yung sasabihin ko.

“Oh.. ok..” mahina kong tugon habang sumusunod sa kanya papunta sa sasakyan niya.

Nauna na kong sumakay sa backseat at nagulat pa ko ng may driver na nakaupo sa driver seat ng kotse nya. Ayaw na ayaw niya kasi ng may driver. Mas gusto niyang siya yung nagdadrive.

Pero pinanatili kong nakatikom yung bibig ko hanggang sa umupo na si King sa tabi ko.

“Edzreal.” Wika niya sa driver na nasa unahan. Napalingon naman ako sa kanya.

Anong gagawin namin dun? Ihahatid lang niya ako? Tapos aalis na ulit siya? Bigla namang parang may tumusok na kung anong matalim sa puso ko. Ang sakit naman non!

Naramdaman siguro niya yung pagiging uneasy ko kaya nilingon na niya ko.

“Are you ok?” tanong niya sa akin.

“W-Why are we going to Edzreal?” nanginginig na tanong  ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako ng matipid saka niya hinawakan yung kamay ko.

Lalo naman ako kinabahan. Ano?!

Nagparking na sa tapat ng Edzreal yung sasakyan namin at nauna na ring bumaba si King. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan habang kinakabahan akong sumunod sa kanya papunta sa elevator.

Magkahawak pa rin kami ng kamay habang pinipindot niya yung number ng floor kung nasaan yung unit ko. Wala naman akong makitang emosyon sa mukha niya kaya naman lalo lang akong kinakabahan. Pagkabukas pa lang ng elevator ay hinila na niya ko palabas at dali dali na naming tinalunton yung daan papunta sa unit ko. Para namang tinatambol yung dibdib ko dahil alam kong oras na buksan niya yung pintuan ng condo, dun narin nagtatapos ang lahat sa amin at ayaw kong mangyari yon. Sa isiping yon ay bigla ko na lang hinila ang kamay ni King dahilan para matigilan siya sa paglalakad.

Nilingon naman niya ako habang nangungunot ang noo.

“Why?” seryosong tanong niya sa akin.

Napalunok naman ako bago ako nagsalita.

“B-Bakit mo ko dinala dito? A-Ayaw mo na ba akong makasama sa bahay natin?” maluha luha kong tanong sa kaniya.

Napabuntong hininga naman siya habang nakatingin sa akin. Hinaplos naman niya yung pisngi ko at noon ko lang din napansin na may tumakas na pa lang luha mula sa mga mata ko.

“S-Sorry kung naging matigas yung ulo ko. Hindi ko na lang kasi matanggap yung pambabalewala mo sa akin. K-Kasalanan...” hindi ko na maituloy yung sasabihin ko dahil sa sobrang pag-iyak sa harapan niya. Pero kailangan ko siyang kumbinsihin para hindi niya ako iwan. “... ko naman talaga lahat. P-Patawarin mo na ako....” labong labo na yung tingin ko sa paligid dahil na rin sa mga luha na tumatakip sa mga mata ko kaya naman pinahid ko na lang ang mga iyon ng likod ng palad ko para makita kokung anong reaksyon ni King.

“Apology accepted. Let’s go.” Saka na niya ako ulit hinila papunta sa unit ko. Sobrang kabog ng dibdib ko habang binubuksan nya yung pintuan dahil hindi ko alam kung para saan yung sinabi nyang APOLOGY ACCEPTED. Gusto ko pa sanang humirit ng PLEASE ELABORATE YOUR ANSWER pero baka imbes na napatawad na niya ko lalo pa siyang magalit sa akin. Narinig ko na ang pag-click ng lock ng condo ko at itinuon ko na lang ang tingin ko sa paanan ko dahil oras na tingnan ko si King ay baka lumuhod na ko sa harapan niya.

Naramdaman ko ang pagclick ng ilaw sa sala. At paglaganap ng liwanang sa buong kabahayan.

“Ano bang tinitingnan mo dyan sa paanan mo?” iritang tanong sa akin ni King.

Tiningala ko naman siya at laking gulat ko na lang ng makita ko sila Draven, Mirai, Rafa, Kuya Blue, Ate Chi, at ibang mga miyembro ng Alpha Omega Phi. Sa isang sulok ay kita ko rin ang Mama at Papa ni King na nakangiting nakatingin sa amin. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang nakangising si King.

Bago pa ako makapagsalita at bago ko pa maiproseso lahat ng nakikita ko ay nakita ko na lang si King na nakaluhod sa harapan ko.

“I’ve been an asshole for this past few months, I know that.” Panimula niya. Nagtawanan naman ang mga taong nandoon sa loob ng sala ko.

“Sshhh.” Naiiritang nahihiyang pagpapatahimik ni King sa kanila.

“After mong magpropose sa akin 3 years ago akala ko ok na ang lahat. And I’m right, it was more than ok my love. Alam kong hindi mo kasalanan na kailangan pa nating maghintay ng 2 years pa bago ka makagraduate dahil sa kaso ng mga Tiongson sa atin. And after 3 years you finally graduated with fying colors, and God knows how proud I am sa na-achieve mo. Hindi ko intensyon na saktan ka o ano pa man dahil naiipit ako sa dalawang pinakaimportanteng desisyon ng buhay ko. Una, ang magkaroon ng anak para makapagsimula na tayong bumuo ng pamilya natin pero ang ibig sabihin nun ay pansamantalang mababalewala na naman ang pangarap mo dahil sa pag-aalaga ng magiging pamilya natin. Alam na alam mo naman na kung anong gusto mong gawin ay taos puso kitang susuportahan. O payagan kang pumunta sa ibang bansa para tuparin ang mga pangarap mo pero ang kapalit naman nun ay ang pagkakaantala na naman ng matagal ko ng pinapangarap na kumpletong pamilya kasama ka. Ang hirap hirap pa lang pumili lalo na kung pareho kong gustong matupad yung dalawa na yon. Kaya hinayaan kitang magdesisyon para sa sarili mo. Yung hindi ako kasama. Yung susundin mo lang yung gusto mo. Oo, nasaktan ako nung pinili mong umalis kesa manatili sa tabi ko pero naisip ko na rin na maigi na nga iyon at least alam kong sasaya ka sa napili mo pero ang sakit sakit pala. Kaya ngayon, gusto kong magsimula ulit tayong dalawa. Gusto ko tama na yung simula natin para hindi na ulit magkaroon ng aberya. Kaya naman Red. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Alam mo yan. Will you marry me, again?” saka naman niya dinukot yung kulay pulang box sa pantalon niya at ipinakita sa akin ang kumikintab na singsing sa loob niyon.

Para bang huminto yung paligid ko at nabingi ako sa sandali. Nung maramdaman kong nawawalan na ngpag-asa si King ay mabilis pa sa alas-kwatrong sumagot ako.

“YES KING! I will marry you again. At kahit ilang beses pa yan at kahit saang lugar pa yan.” Nakita ko naman ang paghugot niya ng malalim na hininga bago niya isinuot sa akin yung singsing at niyakap ako ng buong higpit.

“I love you.” Bulong niya sa akin.

“I love you, too.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Where stories live. Discover now