Chapter 162.2_ Eugene, Civ and Loo Story (2)

107 11 3
                                    


Taratang agad umakyat si Eugene at tinuntun ang silid. Ganoon na lang ang gulat niya ng magliyab ng kulay asul ang kutson. Nasa kisame si Civ habang takot na takot. Sa ibaba naman nito ay ang batang Alamid na galit na galit.


Agad siyang kumuha ng tela at inapula ang apoy.


"Boy, anong nangyayari? Wag kang matakot." Aniya.


Tumingin ito sa kaniya. pinanlakihan ng mga mata. "Isang tao."


Hindi siya sumagot. May kakaibang takot sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.


Napasigaw ito saka tumakbo palabas ng silid.


"Sandali lang. Hindi ka pwedeng lumabas. Civ, habulin mo siya."


"Hindi. Ayaw ko." sunod-sunod ang iling nito. Ni hindi na rin bumaba mula sa kisame


"Ano ka ba naman? Baka makita siya ng mga tao."


"Isa siyang aso!"


Asar na sinundan na lang niya ang batang Alamid. Hindi naman nakabukas ang pinto kaya malamang na nasa loob pa ito. Hinanap niya ito sa loob ng bahay hanggang sa matagpuan niya ito sa kusina at kinakain ang sopas.


Napangiti na lang siya. "Nagugutom ka lang pala."


Napatingin ito sa kaniya. "Isa kang tao!" umatras ito.


"Wag kang matakot. Hindi ako masamang tao. Ako si Eugene. Anong pangalan mo?"


Hindi ito sumagot na kinuha lang ang bowl ng sopas at hinigop yun. Ng muli nitong ilapag ay ubos na.


"Gusto mo pa?"


May alanganin sa titig nito pero tumango din.


Pumasok siya kaya umatras ito. Kinuha niya ang bowl at nilagyan yun bago ibinigay dito.


Tumitig ito sa kaniya na hindi kumilos.


"Ayos lang. Kunin mo. Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan."


Kinuha nito ang pagkain at hinigop yun.


Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ito. Nadidinig na niya ang tungkol sa mga halimaw na tulad nito. Hindi lang niya inaasahang pulang Alamid ang makikita niya.


"Anong pangalan mo, boy?" tanong niya.


"Rou,"


"Loo," naulit lang niya pero tumingin ito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن