Chapter 118 _ Madaldal na Tindera

170 11 0
                                    


Note: 

I updated two Chapters in advance. I will be away for a week therefore I can't update on the scheduled date. So here it is. Next update will be on July 5. 

Thank you and enjoy


-------------------------------------------




Successful silang nakapasok sa eroplano ng walang kahirap-hirap at nakasakay papuntang Egypt. Ilang oras lang din ay nakarating na rin sila sa sadyang bansa. Babyahe pa sila papunta sa kabisera ng bansa.


Inakala lang talaga ng mga kasabayan nila na mga tao lang sila doon kasama nila. Tutal naman ay kayang baguhin ni Loo ang anyo gamit ang kakayahan nito eh.


Si Vam lang talaga itong kailangang ipasok sa isang hawla na napapalibutan ng itim na tela dahil mainit.


Sakay-sakay sila ng inarkilang jeep para lakbayin ang desert papunta sa cairo o ang mas maigi ay kahit na saang maliit na bayan.


Hindi naman talaga sa Cairo o sa kahit na anong lugar na pinupugaran ng mga tao nakatira ang mga mummy na tulad ni Mun.


Hindi rin nila alam kung saan nga ba nila ito hahanapin.


Hindi na sila nagulat kung mainit na mainit ang klima doon kaya minabuti nilang sa araw na yun ay magpahinga muna sila at bukas na gagawin ang paghahanap.


Kailangan din naman nilang pag-usapan kung nasaan nga ba ang eksaktong lokasyon ng mga mummy.


Pare-pareho pa naman silang walang alam sa lugar na yun.


Nanuluyan sila sa isang tanggapan doon at umupa sila ng isang malaking silid para doon mamahinga. Kailangan nilang paghandaan ang pagsugod sa buhangin dahil tiyak na hindi yun magiging madali.


Kahit papaano ay malaki ang silid na nakuha nila at maluwang para sa kanilang lahat. Sa sosyal na tanggapan sila pumunta eh. Malamang.


"Maraming salamat po." Ang wika ni Enjeru sa nakabukot na halos na kawani doon.


Maya-maya ay isinara na niya ang pinto at hindi kinalimutang i-lock.


Isinara rin ni Gera ang nakabukas na kurtina dahil napaka-sinag ng araw.


"Ang init-init. Akala ko mamamatay na ako." lumipad palabas ng cage si Vam saka nag-anyong tao. "Ramdam na ramdam ko ang init ng klima."


"Pwede namang nagpaiwan ka na lang, hindi ba?" tanong ni Loo habang binababa ang bag ng mga babae. Siya ang nagbuhat eh. Nautusan lang.


"At ano? Kayo lang ang sasama? No way! May ipinangako pa ako eh." Reklamo nito.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora