Chapter 56 _ Pagkikita ng Demonyo

259 19 0
                                    


By the way, the image in my profile picture is Loo.



-----------------------------------------





Himalang tagumpay na nakalabas ang tatlo sa gate ng paaralan ng walang nakapansin. Agad nilang binaybay ang daan papunta sa alam nilang pinakamalapit na bayan. Sana nga may malapit.


May pagmamadali sa paglalakad nila at kahit malamig ay kinaya pa rin nilang mag-lakad. Tutal ay kompleto naman ang get-up nila para hindi sila lamigin.


"Bilisan niyo bago pa nila tayo maabutan." Tawag ni Enjeru sa dalawang medyo nahuhuli na.


"Sandali, preno muna." Reklamo ni Erena. "Kanina pa tayo tumatakbo. Malayo na tayo, tiyak na hindi na nila tayo matatagpuan."


"Anong hindi ka diyan?" sita ni Gera pero naglalakad lang. "Mga halimaw kaya yung mga yun."


"Bilisan niyo kasi." Tawag ni Enjeru sa kanila.


Tinakbo nila ito at sinabayan ang paglalakad nito ng mabilis.


"Hindi natin pwedeng maliitin ang mga yun. Mga halimaw pa rin sila at wala tayong ideya kung ano ang kakayahan nila." ang wika nito.


Hindi tiyak kung tama ba ang ginawa nilang pag-alis doon ng basta-basta. Kung tama bang ibigay nila ang sarili nila sa demonyong naghahanap sa kanila.


Ang alam lang nilang tama ay ang sundin ang kalooban nila.


Natatakot silang mawalan ng nag-iisang mahal sa buhay kaya kung kaligtasan nito ay ang makuha sila, gagawin nila.


Hindi na nila kailangang hingin pa ang tulong ng apat dahil tiyak na hindi papayag ang mga itong tumulong sila.


Siguro kung hindi nadinig ni Enjeru ang tungkol doon ay hindi pa sana nila malalaman na nasa panganib na pala ang lolo nila.


Tiyak din na walang planong sabihin sa kanila ni Anjiri ang lahat ng alam nito.


Mas maiging sundin na lang nila ang alam nila'y tamang gawin para maligtas ang lolo nila.


Natigilan sa paglalakad si Enjeru na ikinahinto din ng magkapatid.


"Bakit?" tanong ni Erena.


Tiningala ni Enjeru ang kalangitan at saka tiningnan ang paligid.


"Masydong open ang lugar na ito. Madali tayong makikita ni Vam kung sakaling lumipad siya." aniya sa dalawa.


"Ano ngayon?" si Gera.


Tiningnan niya ang mga punong nagha-hybernate sa gilid ng kalsada. Puno kasi ng puno ang bawat gilid ng daan dahil nasa kagubatan sila.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now