Chapter 114 _ Katuwaan

161 14 0
                                    



"Yung nakasalo sa boquet pumunta na dito." Ang tawag ng MC.


"Ayan na. Nakalimutan mo yata ang gagawin ng mga nakakasalo ng ganoon." Ang pananakot ni Gera sa pinsan.


"Bakit? Ano ba dapat ang gagawin?" ang excited na tanong ni Anjiri. Eh paano? Iba ang kasalan ng mga Lioness sa kasalan na ito. Nalaman lang niya ang mga gagawin dahil tinuruan siya.


"Makikita mo, Anjiri." Ang sagot ni Mun sa kaniya. "Pero wag mong kalimutang tingnan si Loo." Bulong nito.


Napangiti siya dahil ngayon pa lang ay dilim na ng anyo ni Loo. Bad vibes pa rin ito kay Will eh. Siguro kahit sinong halimaw na lang wag lang si Will.


"Nasan na yun?"


"Ako yun." tumayo si Enjeru dala ang bulaklak.


"Hindi ka rin excited." Asar ni Erena.


"Tanga. Wala ng backout ito." nakangiting lumapit ito kay Will.


Sana nga maintindihan nilang naging malapit lang si Enjeru sa bampirang yun dahil sa kadahilanang thankful ito dahil sa nangyari. Pinansin ito ni Loo dahil doon.


Si Loo naman parati ang laman ng utak nito eh.


Sana nga lang iniisip nito ang laman ng utak ni Loo.


"Talaga bang ayos lang sa kaniyang gawin yun?" tanong ni Vam. Siniko ang katabing alamid. "Sana pala naki-kumpol ka."


"Hindi ako nakikisali sa ganoon." Sagot nito.


"At dahil diyan, tingnan mo yun." tinuro ni Civ ang dalawa.


Hindi ito umimik.


"Naku, naku. Nakaka-excite. Sana pala tayong dalawa yun, Mun." Sambit ni Anjiri.


Manghang tiningnan ng mummy ang babae. "Bakit? Alam mo ba kung ano ang gagawin nila?"


Ngumiti ito ng makahulugan. "Secret."


"O sige na, maupo kayo dito." Naghanda ang MC ng dalawang upuan sa baba ng platform pero nasa gitna. "Alam niyo naman ang gagawin noh?" tanong nito sa dalawa.


"Hindi ko alam eh." Anang bampira.


"Ba't nakisali ka?"


Natawa lang ito ng maiksi.


"Ay naku. Ikaw ba?" tanong nito kay Enjeru.


Ang laki-laki ng ngiti ng babae. "Alam na alam." Excited na sagot nito.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum