Chapter 180 _ Paniningil

121 14 0
                                    

"Dean, hindi pwedeng humantong sa ganito ang lahat-lahat. Kapag nagpatuloy ito ay baka isa sa atin ang mamatay." Gustong kumbinsihin ni Vam ang lalaki. Ayaw naman talaga niya itong kalabanin eh. Kahit papaano ay siya ang may kasalanan.

"Ikaw ang mamamatay, Vam." Mabilis itong sumugod sa kaniya.

Nailagan niya ang mga ataki nito. Pero nahawakan nito ang damit niya at buong lakas na hinagis siya sa dingding na gumuho agad sa lakas.

Hindi pa nga siya nakatayo ay nasa tapat na niya ito.

"Bumangon ka."

Hinila siya nito at muling hinagis sa isa pang pader.

"Vam!" dinig niyang sigaw ni Erena.

"Diyan ka lang!" sigaw niya.

Mabilis siyang bumangon at tiningnan si Dean.

Palapit ito sa kaniya.

"Hindi dapat humantong sa ganito ang lahat." Aniya. Pipilitin niya itong kausapin hanggang sa tumigil ito.

"At ano? Kalimutan ko ang naging atraso mo? Baliw ka." Sinipa siya nito.

Naiwasan niya ang sipa nito pero sa di malamang dahilan ay bigla siyang humampas sa sahig. Na para bang may nagtulak sa kaniya pero ang layo pa ni Dean.

Itinaas nito ang kamay at iwinasiwas.

Lumipad ang katawan niya at humagis ulit sa gilid.

"Tika, ano yun?" takang tanong ni Gera. "Humahagis ang katawan ni Vam ng mag-isa."

"Hindi ganoon yun." tinitigan ni Anjiri ang dalawa. "Isang Levitation."

"Levitation?" naulit ni Civ. "Ano yun?"

"Yung kusang pag-galaw ng isang bagay sa pag-wasiwas lang ng kamay ng kayang gumamit non."

Takang tiningnan ni Vam ang bampirang nakangisi. Paanong nakayanan nitong gumamit ng Levitation. Demonyo lang ang may kakayan non.

"Hindi mo ba alam, Vam?" tanong ni Dean sa kaniya. "Ang mga bampira ay kahawig lang ng mga demonyo. Ang mga bampira ay isang mababang uri ng demonyo kaya iilan sa mga bampira ay kayang gumamit ng Levitation. Siguro maswerte ako dahil natutunan ko itong gamitin." Itinaas nito ang kamay ng mabilis.

Humagis siya sa kisame at muling nalaglag sa sahig.

"Demonyo?" natanong ni Erena. Tiningnan niya si Savana.

"Totoo yun. Dahil sa pagkakalapit ay biniyayaan ng iba't-iba kakayahan ang bawat bampira. Bagamma't iilan lang ang nabiyayaang magkaroon ng Levitation. Balang araw ay malalaman mo rin kung ano ang kakayahan mo ngayon isa ka ng bampira, Erena." Sagot nito.

"Hindi." Mariing sagot niya. "Hindi ako naniniwalang pareho lang ang demonyo at bampira. May kakayahang magmahal ang mga bampira, hindi ang mga demonyo."

Hindi sumagot ang kapatid ni Vam.

"Siguro nga tama ka." Nasagot lang nito maya-maya. "Dahil kahit sa ginawa naming pagtrato kay kuya ay hindi siya nahulog sa kadiliman at naging masama. Kung tutuusin, napakabait niya."

Napatitig lang si Erena sa babae. Hindi naalis ang pagtataka niya sa anyo nito. Para itong maiiyak na iwan. Hindi niya alam pero may nababasa siyang pagmamahal para sa kapatid. At marahil pagsisisi sa ginawa nito.

"May dapat ba akong malaman, Savana?"

Napatingin sa kaniya ang babae. Pero imbis na magsalita ay nag-iwas lang ito ng tingin.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now