Tumingin sa labas ng bintana si Gera. Nag-aalala siya para sa pinsan. Hindi rin naman niya ito magawang tulungan dahil hindi siya pwedeng lumabas ng akademya.
Nasa loob na ng silid nila sina Vam at Mun na nag-aabang na rin habang si Erena ay wala pa ring kamalay-malay dahil tulog pa rin.
"Gera, matulog ka na kaya muna. Kami na ang mag-aabang sa pinsan mo." wika sa kaniya ni Mun.
"Hindi na. Aabangan ko na lang siya."
"Pero malalim na ang gabi,"
"Ayos lang."
"Marahil ay nag-aalala siya sa pinsan niya." komento ni Civ sa mga kaibigan.
"Malamang! Kambal-tuko daw silang tatlo sabi ng lolo nila." sagot ni Vam. "Pero bakit ang isang ito tulog pa?" tinuro niya si Erena na himbing na himbing.
"Lumalaki pa si Erena," patda ang mga ito sa sinabi niya. Marahil akala ng mga ito hindi siya nakikinig. "Kailangan pa niya ng tulog."
"Ikaw ba hindi?" tabong ni Civ.
"Humihinto na ang development ng katawan naming mga babae pag-tuntong ng desi-sais. Si Erena ang wala pa sa edad na yun kaya antukin pa siya."
"Siya ang pinaka-bunso sa inyo pero siya ang malaki. Yung pinakamatanda naman yung pinakamaliit. Anyare?" pagbibiro ni Vam.
Napa-aray na lang siya na agad napatayo ng sipain siya ni Erena sa pwet. Nakaupo lang kasi siya sa paanan ng higaan nito.
Ng tingnan niya ito ay hindi naman ito gising.
"Reflexes lang yan sa pagtulog," paliwanag ni Mun sa naguguluhang si Vam na medyo nainis na sa tulog na si Erena.
"Ang timing naman yata ng pag-sipa niya." Lumapit ito sa babae at sinilip ang mukha nito pero wala itong kibo. "Ang pangit niyang matulog ha?---- Aray!" Napalayo ito ng masampal na naman.
Tinawanan lang nila yun.
"Nananadya na talaga ito eh! Papatulan ko na ito!" gigil na asik ni Vam.
"Hoy! Ano ka ba? Tulog yan. Eh kung lumayo ka kaya diyan. Para kang bata!" sita ni Mun dito.
Inikot na lang ni Gera ang itim na mata sa kakulitan nito. "Mas maigi sigurong wag na nating sabihin kay Erena ang nangyayari ngayong gabi." aniya sa tatlo na napatingin.
"Bakit?" si Vam.
"Mas mabuting di na niya alam."
"Pwede rin, at sana wag na nating sabihin sa kaniya ang dahilan ng paglapit namin noh?" si Vam ulit na gigil pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/103857270-288-k783972.jpg)
YOU ARE READING
Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]
FantasyAkalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na tinatawag na Vermillion Academy kung saan, bawal ang tao. Kaya lang nabula...