Chapter 54 _ Nadinig ni Pasaway

289 19 0
                                    


Hindi maipinta ang simangot sa mukha ni Erena ng makita niya si Vam na may kausap na kapwa bampira sa labas ng room nila.


Sana nga lang, nakikipag-usap lang ito.


Parang may kasamang landian eh, o.


Nakasandal si Girl at nasa tapat nito si Vam na tukod ang isang kamay sa gilid para wag makaalis ang babae doon.


Tawanan lang ang dalawa.


May gana pang maglandian sa tabi ng pinto?


Ang kakapal ng mukha.


Pero tika nga, ba't ba siya nagagalit? In the first place, wala naman siyang paki diba?


Pero asar lang eh.


Naunang pumasok sina Enjeru sa loob at nahuli siya pero nanatili lang siya sa tapat ng saradong pinto.


Tawanan ang dalawa na di yata siya napansin.


"Good Morning," bati niya sa mga ito pero hindi nakatingin.


Walang tugon ang mga ito na tawanan lang.


Asar lang.


"Good Morning!" sa ngayon ay mas malakas na.


Walang tugon ang mga ito. Nilingon niya ang dalawa at ganoon na lang ang pag-nganga niya dahil mukhang maghahalikan yung dalawa.


Wait! Hallway yun eh. Noh?


At naramdaman niyang kumulo ang dugo niya papuntang ulo kaya di na niya nagdalawang isip pa.


"Good morning!" sigaw niya sa dalawa.


Parehong nagulat ang mga ito at sabay na tumingin sa kaniya. Si Vam ay nagulat na agad lumayo sa babae.


"G-good morning, Erena. Kanina ka pa?" tanong ni Vam. Parang naiilang pa.


Tinaasan lang niya ito ng kilay.


"Sayang, maybe later Vam." Malanding paalam ng babae. Sumulyap pa ito sa kaniya bago umalis.


Nagdilim ang anyo niya sa tinging ipinukol nito sa kaniya. Saka niya hinarap si Vam.


Nagulat pa ito. "O ba't galit ka? Wala akong kasalanan ah."


"Wala?!" naisigaw niya kaya napaatras ito. "Maghahalikan kayo sa hallway. Ang kakapal ng mukha niyo." Asik niya.


Nakangangang naikunot na lang ni Vam ang noo sa reaksyon niya.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon