Chapter 107_ Pananahimik

210 15 0
                                    



Nakatayo lang sa labas ng pinto si Loo. Hindi pa rin nawala ang pagtataka niya habang nakatingin kay Enjeru. Nakaupo lang ito habang nakatanaw sa labas ng bintana.


Nakaalis na sila ng maayos sa kweba. Ng magawa yun at pinaguho niya ang kweba para wala na ulit magtangkang tuntunin ang lugar na yun. Kaagad naman silang bumalik sa akademya lalo na dahil hindi maganda ang kalagayan ni Anjiri.


Kaagad na ginamot ang mga ito ng makitang malaki ang naging pinsala. Maraming sugat ang mga ito at maraming bali ang katawan. Mabuti na lang siguro at kalahating halimaw si Anjiri kaya maayos na ito pagkatapos tagain ni Conrado.


Nagpapagamot na ang mga kaibigan sa magkaibang silid.


Kahit si Eugene ay nagpapagamot na rin. Natuntun na rin si Philipe. Kahit papaano ay wala naman itong sugat.


Ilang mga studyate ang sugatan sa naging kaguluhan pero wala namang napahamak ng husto. Dahil sa lahat ng kaguluhan ay suspended ang klase ng isang buong linggo. Ikinatuwa pa yun ng lahat.


Hindi lang siguro siya makapaniwala sa sinabi ni Enjeru sa kaniya. Kumbakit umiyak ito ng malakas. Kumbakit naglaho ng parang bula si Conrado. Naipaliwanag na nito sa kanila ang nangyari habang papunta sila sa paaralan. Kahit nga ang iba ay nagtaka rin pero mas maigi na yun dahil tapos na ang problem nila kay Conrado.


Si Armaline pa rin talaga ang tumapos sa lahat.


"Enjeru," tawag niya dito.


Tumingin ito. "Loo," ngumiti ito. Ng makabalik sila sa Akademya ay tumigil na ito sa pag-iyak pero minsan ay nakatulala pa rin ito.


"Anong iniisip mo? Tungkol kay Conrado pa rin ba?"


Naalis ang ngiti nito. Saka ito nag-iwas ng tingin. "Hindi lang siguro ako makapaniwala na ganoon ang turing ni Lola kay Conrado na nasira dahil sa hindi magkaparehong paniniwala nila. Naramdaman ko ang paghihinagpis ni Lola."


Hindi sumagot si Loo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa puntong yun. "Ang mahalaga ay tapos na. HIndi na ulit kayo guguluhin ni Conrado."


Hindi ito umimik.


"Wag mong sabihing nakokonsensya ka naman? Na naaawa ka kay Conrado?"


"Di ko maiwasan." Lumingon ito sa kaniya at napasimangot ito. "Ang gusto lang naman niya ay ang umuwi eh. Ang simpleng bagay non. Ang dali lang eh."


"Hindi madali. Maraming mapapahamak kapag binuksan niya ang pinto at umuwi siya. Naging makasarili si Conrado. Ang iniisip lang niya ang sarili niyang kagustuhan. Hindi na niya iniisip ang mangyayari kapag ginawa niya yun."


"Well, siguro hindi niya maiwasan na maging makasarili at daaanin sa dahas ang lahat dahil isa siyang demonyo."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon