Chapter 102 _ Paghingi ng tulong

205 16 0
                                    


Sorry for the delay.


-----------------------------


Nong una ay hindi makapaniwala si Conrado ng mga tao ang namamahala sa paaralan na yun. HIndi siya makapaniwala na may mga tao din pala na malaki ang malasakit sa mga halimaw. Tinanggap siya ng mga ito at pinag-aral sa lugar na yun.


Ginawa niya yung pagkakataon. Sigurado siyang sa pag-aaral doon ay mahahanap niya ang ang sadya niya.


Maayos naman ang naging pag-aaral niya. Hindi lang siguro maiwasan na maging loner siya dahil takot halos ang lahat ng mga halimaw sa pagiging demonyo niya.


Hindi niya masisisi ang mga ito dahil hindi nga naman maganda ang reputasyon ng mga demonyo. Pero hindi na niya pinakialaman yun. Mas maigi na nga yun para maka-focus siya sa sadya.


Nasundan lang ng tingin ni Conrado ang mga halimaw na agad nag-alisan ng makita siya. Madalas siyang tumambay sa library kapag walang pasok. Maraming libro doon at marami siyang nalalaman. Kahit papano ay nalaman na niya ang tungkol sa empyerno. Ang hindi pa lang siguro niya nahahanap ay kung paano makakapunta doon.


Hindi niya pinansin ang mga yun. Naupo na lang siya sa upuan sabay lapag ng libro sa mesa.


"Wag mo silang pansinin." Sabay lapag ng libro.


Napatingala siya at bahagya siyang nagtaka ng makita ang nag-iisang taong nag-aaral sa paaralan na yun. Ito lang naman ang anak ng mag-asawang Vermillion. Si Philipe Vermillion.


Binatilyo din itong tulad niya.


"Hindi ka takot sa akin?" natanong niya sa lalaki.


Natawa lang ito ng maiksi. "No. Sa dami ng mga halimaw na nakikita ko dito, hindi ka na iba. Kung tutuusin may mas nakakatakot nga sayo eh."


"Pero isa akong demonyo."


Tumingin sa kaniya ang lalaki at ngumiti. "Ano ngayon? Kakainin mo ba ang kaluluwa ko tulad ng mga bulung-bulungan?"


Umiling si Conrado.


"Eh di hindi ko na kailangang matakot." Binuksan nito ang libro saka nagsimulang magbasa.


Napatitig lang si Conrado sa lalaki. Hindi na siguro siya magtataka kung ganoon ito. Siguro dahil talagang sanay na nga ito. Sa isang tingin lang din, alam niyang ito ang hahalili sa ama nito para mamahala sa paaralang yun.


"Madalas kitang napapansin," walang lingon na sagot nito. Marahil napansin ang titig niya. "Palagi mong binabasa ang mga libro tungkol sa mga demonyo at Impyerno."


Hindi sumagot si Conrado.


"Wala namang masama doon." Natatawang tumingin ito sa kaniya. "Hindi naman masama kung gusto mong malaman ang tungkol sa lahi mo at pinagmulan mo diba?"

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Место, где живут истории. Откройте их для себя