Chapter 82 _ Pekeng Pagbabago

258 20 1
                                    

Pagkasakay sa Van ay agad na binura ni Erena ang itim na lipstik at itim na eyeshadow. Inalis niya ang hikaw at singsing. Iniwan niyang itim ang manicure.


"Hinayaan mo na lang sana yan." Ang nakatawang wika ng nagmamaneho. Babae ito na mas Goth pa ang ayos. Naka-uniform nga pero highlight masyado ang mga itim na accesories nito.


"Salamat sa pagsundo, Tess pero hindi ako sanay maging Goth eh." Sagot niya sa kaklase.


"Sayang naman!" anang katabi niyang babaeng Goth din.


"Hayaan niyo siya. Wag nating pilitin ang ayaw." Ang sagot naman ng nag-iisang lalaking kasama nila.


"Oo nga, pero paano nga ba natin siya naging friend eh di naman siya adik sa mga maiitim?" tanong ni Jean na katabi niya.


Napangiti lang siya. "Dahil fan ako ng mga bampira?"


Tumango lang ang mga ito.


"Hoy, salamat talaga ha? Sinakyan niyo itong pakulo ng mga pinsan ko."


"No problem. Kaibigan mo kami eh." Sagot ni Tess.


Well, sino ba ang nagsabing Goth siya, puta si Gera at sanggano si Enjeru? Hindi naman eh.


Lahat ng ipinakita nila sa lolo nila ay dahil sa naiinis na sila. Isang buwan na ang duman pero wala pa rin yatang planong umuwi ng lolo nila noh?


Napapagod na silang maghintay.


Sa pagkakataong yun ay naging kaibigan na niya ang tatlong kaklase na ito. Si Gera naman ay himalang na-close din yun mga friend nito ngayon. Si Enjeru, nakasundo ang mga batugan sa room nito.


Dahil doon ay nakalikha ng plano si Enjeru.


Ang mag-rebelde kuno sa lolo nila.


Ng ipakilala niya kasi ang mga kaibigan sa lolo niya at ng mapansing hindi nito gusto ang tatlo ay saka niya naisip na gayahin ang mga ito.


Ganoon din ang ginawa nina Gera at Enjeru ng parehong hindi rin nagustuhan ang mga kaibigan ng mga ito.


At doon nabuo ang plano nila.


Kanya-kanya silang pakiusap sa mga kaibigan para pumayag.


Ang araw na yun ang pagsasakatuparan ng plano nila at successful dahil nagimbal ng todo ang matanda.


Na-close lang niya ang tatlong Goth na yun dahil sa bampira.


Bampira si Vam diba? So, oo.


Sinabi din niya ang alam niya sa mga bampira. Sa pamamagitan ng alam niya kay Vam. Pero hindi niya sinabing may idini-date siyang bampira.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now