Chapter 142_Ang pagsisisi

146 13 1
                                    


Walang madidinig na boses sa silid kundi ang huni ng mga ibon sa labas ng bintana. Permente lang na nakaupo si Civ sa isang upuan. Nakayuko at tahimik.


Nasa paligid naman ang mga kaibigan. Nakatingin ang lahat sa lalaking pusa na wala pa ring imik. Pare-parehong may dismaya sa mukha nina Loo at Mun. Hindi naman makapaniwala ang itsura ni Anjiri. Nasa isang sulok naman si Enjeru. Marahil para kalmahin ang sarili nito. Wala si Erena doon dahil hinahanap nito ang kapatid nito kasama si Vam.


Alam na nila ang nangyayari dahil ipinaliwanag na yun ni Enjeru sa kanila at hindi nga sila makapaniwala na ganoon na pala ang nangyayari.


Nakakabingi ang katahimikan sa paligid at wala man lang yatang gustong magsalita.


"Ipagdasal mo na walang nangyaring masama kay Gera, Civ." Si Enjeru na ang bumasag sa katihimikan. May diin ang bawat salitang binibitiwan nito. Ang sama rin ng titig nito sa kaniya.


"Hayaan mo akong hanapin siya."


"Aba't siraulo ka talaga noh?" susugurin sana ni Enjeru ang pusa pero agad na napigilan ni Loo ang babae. "Sa tingin mo ba may karapatan ka pang lapitan siya pagkatapos ng ginawa mo? Hindi ka na kailanman makakalapit sa kaniya! Nakakahiya ka!" malakas na sigaw nito.


"Kumalma ka nga." Sambit ni Loo sa babae.


"Hindi ako kakalma ngayon napag-alaman kong ginagawa niyang rebound ang pinsan ko. Ni hindi ka na talaga nahiya! Ni hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman niya! Kapag may nangyari masama kay Gera, naku!" galit na kumawala ito kay Loo saka ulit ito pumunta sa sulok.


Bumuntong-hinga lang ng malalim si Mun na napailing. "Akala ko naman tapos ka na kay Meriam." Mahinahong sambit niya. "Yun pala si Gera ang ginagawa mong Meriam. Hindi ka na nahiya, Civ."


Nakayuko lang si Civ.


"Sa tingin mo ba mapapatawad ka ni Eugene sa ginawa mo?"


"Ba't mo ginawa yun?" tanong ni Loo sa lalaki.


"Hindi kasi ako nakatiis. Ng sabihin niya sa aking tutulungan niya ako ay hindi ko na pinalampas yun." paliwanag ni Civ habang nakayuko.


"Kaya hiniling mo sa kaniyang maging si Meriam?"


Tumango siya. "Ang sabi niya ay ayos lang dahil magkaibigan naman kami. Kaya tinulungan niya ako."


"Ni hindi ba sumagi sa isip mo ang mararamdaman na Gera? Ni hindi ba sumagi sa isip mo na baka may pagtingin siya sayo kaya siya pumayag?"


Umiling ito. "Nabulag na ako ng pagkakataong yun."


"So all this time, habang magkasintahan kayo ni Gera ay si Meriam naman pala ang nakikita mo?" natanong ni Anjiri.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Onde histórias criam vida. Descubra agora