Chapter 132_ Ano ba ang Kiss?

143 12 0
                                    



"Anjiri."

Nahinto sa ginagawa si Anjiri ng makitang pumasok ang mama niya na malungkot ang anyo.

Ano? Dadramahan na naman ba siya nito na kailangan niyang hiwalayan si Mun?

Kahit ano pa man ang pagmamakaawang gawin nito ay hindi niya hihiwalayan si Mun. Una itong nagtyagang magbantay sa kaniya kesa ng mga magulang niyang kailan lang niya nakilala.

Mas matimbang pa rin talaga si Mun.

"Bakit po?" tanong niya na denedma na lang ito at nagpatuloy sa ginagawa.

"Gusto lang kitang makausap anak." Ang wika nito na lumapit at naupo sa gilid ng higaan niya habang siya ay nasa study table.

Gumagawa ng scrap book. Yung bigay ni Mun sa kaniya nong pasko.

"Kung gusto niyo na naman po akong ihiwalay kay Mun. Ayaw ko." Hindi na niya ito nilingon.

"Alam kong sasabihin mo yan pero hindi yan ang ipinunta ko dito. Kasi, gusto ko lang humingi ng tawad sayo sa ginawa ko."

Nagulat siya. Mabilis niyang tiningnan ang ina. Napaka-secere ng mukha nito.

"Alam kong maling piliting kitang hiwalayan si Mun. Dahil kung tutusin ay mas una mo siyang nakilala bago kami. Kaya mas matimbang siya."

"Mama," tawag niya. "Matimbang sa akin si Mun dahil siya ang lalaking unang minahan at mamahalin ko ng buo. Pero mahal ko din kayo ni Papa. Ayaw kong isa sa inyo ang mawala. Mas pinili ko si Mun dahil alam kong tatanggpin niyo rin siya. Ayaw ko lang hiawalayan si Mun dahil mahirap humanap ng lalaking tulad niya." paliwanag niya.

"Ang inaalala ko lang naman ay ang kaligtasan mo lalo pa't mummy siya at sightseer ka."

"Bakit? Anong hadlang don? Kung ikaw nga binasag ang taboo ng tao at halimaw ako pa kaya? Kung nagawa mo yun, magagawa ko rin yun dahil anak mo ako."

"Sana mapatawad mo ako."

"Hindi naman ako galit eh. Nagtatampo lang ako. Kala ko kasi, matatanggap niyo ang ano mang gusthin ko. Yun pala galit kayo sa uri ni Mun."

Hindi ito sumagot. Para bang pinagsisihan ang ginawa.

"Bigyan mo lang ng pagkakataon si Mun, mama. Mabait siyang mummy."

"Alam ko, sinabi na rin yan sa akin ng papa mo. Kaya nga napag-isip-isipan kong bgiyan nga siya ng pagkakataong ipakita sa akin ang intensyon niya sayo. Naging makasarili lang ako sa naging desisyon ko dahil akala ko yun ang mas makakabuti dahil marami akong pagkukulang sayo bilang ina. Pero ngayon naiintindihan ko na."

Napangiti lang si Anjiri.

Sapat na sa kaniyang yun ang sinabi nito.

"Tanggap niyo na po ba si Mun?"

"Hindi hangga't hindi niya napapatunayan ang sarili niya."

Natawa siyang ng maiksi na lumpait dito. "Mama, maraming beses na akong tinulungan ni Mun. Binantayan niya ako ng mabuti sa kabila ng pagkadisgusto niya sa akin. Para sa akin sapat na yun para mahalin ko siya. At sana tanggapin mo rin siya."

Ngumiti ito saka siya niayakap. "Alam ko anak. Alam ko. At alam kong tama ang desisyon mong ipaglaban siya. Nakita ko na yun at panatag na ako."

Nabigla ng bahagya si Anjiri. "Nakita niyo ang future namin?" manghang tanong niya na kumalas dito at tinitigan ito. Sabik syang malaman kung ang nakita nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now