Chapter 143_Nawawalang Tamad

168 12 0
                                    


Bumukas ang pinto at bumungad doon sina Erena at Vam. Hindi na nila napigilan ang babae ng mabilis nitong sugurin ang pusa at pinagsasampal.


"Walanghiya ka, Civ. Nagtiwala ako sayo. Inasahan kong mahal na mahal mo ang ate ko pero pinaglaruan mo lang pala siya! Wala kang kwenta!" nagsisigaw na pinagbabayo nito ang lalaki.


Hindi pumalag si Civ. Hindi rin siya umiwas. Hinayaan niya ang sariling saktan ni Erena dahil nararapat sa kaniya yun.


"Erena," hinila naman palayo ni Vam ang kasintahan na nagsisigaw pa rin. Maya-maya ay humagulhul ito at yumakap sa kaniya.


"Anong nangyari? Nakita niyo ba si Gera?" tanong agad ni Enjeru sa dalawa.


Umiling si Vam. "Hindi namin siya nakita sa paligid."


"Eh nasaan siya? Saan pumunta yun?"


"Baka umuwi sa bahay niyo?" natanong ni Anjiri.


"Sana," si Civ ang hinarap niya at pinandilatan ito. Kaagad siyang lumayo at kinuha ang phone para tawagan ang bahay nila.


"Ipagdasal mong walang nangyaring masama sa kapatid ko, Civ. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo, tandaan mo yan." Umiiyak na asik ni Erena sa lalaki.


Tumayo si Civ kaya nagtaka sila.


"Saan ka pupunta?"


"Ako ang maghahanap sa kaniya."


"Diyan ka lang." mabilis na pinaupo ni Mun ang kaibigan. "Hindi magandang ideya ang iniisip mo. Sana man lang magkaroon ka ng kaunting konsidirasyon sa nararamdaman ni Gera. Sa katunayan, dismayadong-dismayado ako sayo. Alam kong hindi rin ako naging magbuti pero itong ginawa mo, mali talaga eh." Malamig na turan ni Mun.


Hindi ito nakasagot.


"Kumusta?" tanong ni Loo ng ibaba na ni Enjeru ang phone nito. Hindi na siya nagtanong pa ulit ng ihampas nito ang bagay na yun sa sahig. "Wala si Gera sa bahay." Aniya sa mga kasama. "Masaya ka na?" sigaw ni Enjeru sa pusa. "Unang nawala sayo si Meriam, ngayon naman ay itinataboy mo palayo si Gera. Ikaw na. Ang galing-galing mo." Saka siya galit na pumunta sa pinto.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Loo dito.


"Hahanapin ko ang pinsan ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon at nag-aalala ako." binuksan niya ang pinto pero nagulat siya dahil may nakatayong isang studyante doon. "May kailangan ka?" tanong niya.


"Ah, may nagbigay kasi ng sulat na ito sa akin. Pinapabigay sa inyo." Inabot nito ang isang maliit na papel de hapon na papel.


"Maraming salamat." Kinuha naman yun ni Enjeru sabay sara ng pinto. Binuksan niya ang nakatuping papel pero naikunot na lang niya ang noo dahil japanese yun. "Di ko kayang basahin."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now