Chapter 13 _Paghihinala ng Pasaway

586 24 3
                                    

Nagpatingin-tingin sila sa paligid pero wala silang makitang ibang nilalang doon.


"Sino ka? Nasaan ka?" tanong ng tikbalang. Nakaramdam na na taranta.


Feel naman ng mga itong pinapalibutan sila eh mukhang isang tao o halimaw lang naman yata yun.


"Magpakita ka!" tarantang sigaw na rin ng aswang.


Naikunot ni Gera ang noo. Pamilyar sa pandinig niya ang malamig na boses na yun. May nag-udyok sa kaniyang tumingala at hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya si Civ. Patiwarik na nakaupo doon.


Kanina pa kaya ito?


"Magpakita ka, duwag!" sigaw ng sigbin.


Suminyas sa kaniya si Civ na wag maingay.


Tiningnan niya ang mga haliaw. Panay pa rin ang paghahanap ng mga ito sa paligid. Hindi man lang naisipang tumingala.


"Kailangan nating umalis agad dito." Anang tikbalang sa mga kasama. "Dalhin ang babaeng yan." Utos nito.


Nanlaki ang mga mata niya ng lumapit sa kaniya ang dalawang halimaw na aswang at engkanto.


"Anong gagawin niyo?" kinabahan siya.


Hinawakan ng enkanto ang braso niya habang ang aswang naman ay kinakalagan siya. Pero aksidenting sumabit ang kuko nito sa tuwalya niya at dumulas ang pagkakatapi non.


Napatili siya na agad yumuko. Mahuhubaran na siya eh. Wala siyang ibang suot, duh!


"Wag ka ngang gumalaw." Asik nito na hinila siya paupo ng maayos.


Lalo siyang napasigaw dahil oras na umayos syia ng upo ay matatanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya at mahuhubaran siya.


Lintik na Civ yan. Ba't ba hindi agad siya nito tulungan?


"Umayos ka nga," hinawakan ng sigbin ang magkabilang braso niya. Sigurado siyang hindi na niya mapipigilan ang pagtulak nito sa kaniya.


Tumili siya ng malakas.


Isang pagkalabog ang nadinig niya sa tapat.


Ng tingnan niya yun ay nakita niyang tumilapon ang sigbin. Nakatayo na ngayon sa tapat niya si Civ.


"Civ?" nayanig ang mundo ng tikbalang. Gulat na gulat ito ng makita ang pusa. "Paano mo kami natuntun?"


Ang aswang at engkanto naman ay parehong napaatras na rin ng makitang nakatayo na ito sa tapat niya.


Tinitigan lang ni Civ ang apat na engkanto. May takot sa mga mata ng mga ito habang nakatitig sa lalaki.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now