Chapter 25.5_Sterling Brothers

446 20 0
                                    

Nagsigawan sa takot ang mga kawawang katulong pagkatapos bigyan ng prank ng magkakapatid.


totoo na mga halimaw ang mga katulong nila kaya tinakot nila ang mga ito bilang mga tao.


Nagtawanan sina Will, Al at Ed pagkatapos non.


"Tika, Will. Ayos lang ba talagang hindi tayo pumasok sa school?" tanong ni Al sa panganay.


"At ano? Bumalik na naman sa boring Vampire class na yun? No way! Hindi na masaya doon." sagot ni Will.


"Dahil wala na tayong tatakutin." si Ed habang tumatawa.


"I know right?"


Nag-apiran lang ang magkapatid. Kung sa anyo, para lang silang mga binatilyong nasa kinse ang edad. Nasa bansa sila ng mama nila. Ang Russia. Kaya lang ay wala na ang mama nila kaya ang papa na lang nila ang kasama nilang naninirahan doon.


"Will, Al, Ed!" dumagundong sa buong mansyon ang malakas na sigaw ng papa nila.


Nagkatinginana lang sila saka pumunta dito. Alam nilang yun ang kasunod ng mga kabalbalang ginagawa nila.


Nagtawanan na lang sila ng makita ang mga katulong na dali-daling umalis bitbit ang mga gamit ng mga ito. May pagmamadali sa kilos ng mga ito.


Nag-apiran ulit sila.


"Will!" sigaw ng papa nila na nasa study room nito.


Agad silang pumasok sa opisina nito.


Sumalubong sa kanila ang madilim na anyo ng may katabaan nilang papa. Nasanay na rin naman sila sa tingin na yun kaya hindi na sila natatakot.


"Sorry Dad. Don't worry, last na naming gagawin yun." kalmadong paliwanag ni Will dito. Tumango lang ang dalawa.


"Talagang las na ito dahil ipapadala ko kayo sa England."


"Ano?" Duet sina Al at Ed.


Siniko ni Will ang mga kapatid na nagulat pa. Nakatitig lang siya sa seryosong ama.


"Ipapasok ko kayo sa malaking paaralan doon at hindi kayo makakabalik dito hangga't hindi kayo nagtitino."


"Pero Dad." reklamo ni Ed.


"Bahala kayong tatlo. Mananatili kayo doon hangga't kailan ko gusto. Mas mabuti pang mag-impake na kayo dahil aalis agad kayo."


"Ayaw kong umalis Dad." si Al.


Siniko ni Will ang kapatid. Nagpaalam na lang siya at hinila ang mga kapatid.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now