Chapter 44 _Laman ng Regalo

308 23 1
                                    



Pasimpleng kinamot na lang ni Loo ang noo. Mabuti na lang at siya lang ang nakakaalam ng saloobin niya. Hindi pa tuloy siya napapahiya.


Ganoon na lang ang bigla niya ng ilahad sa kaniya ni Eugene ang regalo nito. Tiningala niya ito at may ngiti ito.


"Para sayo, kaibigan." Wika nito.


"Wow! Lolo, ikaw pala ang nakabunot sa pangalan ni Loo?" manghang tanong ni Enjeru.


"Oo naman."


Tinanggap niya yun at hindi nakawala sa paningin niya ang makahulugang tingin nito sa kaniya. Bahagya pa nitong tiningnan si Enjeru bago siya. Ano yun? May kakaiba ba sa regalong yun.


"O, go na Loo. Ibigay mo na ang regalo mo." Sulsul sa kaniya ni Vam. Ang sarap nitong hampasin ha? Lalo pa dahil may nangungutya itong tingin sa kaniya. Hindi lang naman ito, kahit ang dalawa din.


Hindi siya pwedeng mapahiya sa bagay na yun eh.


Inilahad niya kay Enjeru ang regalong nasa tapat niya. Parang di man lang ito nagulat na nginitian lang siya saka inabot ang regalo.


Ano ba yun? Hindi naman suprise eh.


"Sira na ang chain. O sige, ako na din ang mauna." Ang wika ni Vam. "Erena o." Inabot nito sa babae ang regalo.


"Ayayay! Ikaw pala ang nakabunot sa akin?" tanong nito.


Isang ngiti lang ang ibinigay ni Vam dito. "Oo," nagulat na lang siya ng pahampas na ibinigay nito sa kaniya ang regalo nito.


"Exchanging gift." Sagot nito. Naka-iwas pa ang tingin.


Hindi na siya nagulat. Sabi nga ni Mun diba? Nag-cheat daw si Enjeru para mangyari yun. Masayang tinangap niya yun. Pero parang surprise pa rin yun para sa kaniya. Hinawakan lang tuloy niya ang ulo ng ikinainis nito.


"Putol ang chain, ang mabuti pa Mun, Civ. Sabay niyo ng ibigay ang regalo niyo." Ang anunsyo ni Enjeru ng makabalik na sa stage. Hidi umimik ang mga ito. "Sige na."


"Oo na eh!" tumayo si Mun na agad inabot ang regalo kay Anjiri na napatingin sa kaniya. Tinangungan niya ito. "Nakakagulat pa ba yun?" tanong niya.


Isang makahulugang ngiti ang ibinigay nito. "Hindi. Alam ko na naman eh. Alam ko ang pinaggagawa niyo." Sabay abot din ng regalo nito.


Lihim siyang nag-ngitnngit. Ni hindi man lang yata pwedeng sopresahin ang isang ito. Walang thrill. Tinanggap na lang niya ang regalo nito.


Inabot na din ni Civ ang regalo niya kay Gera na tiningnan lang siya. "Sana magustuhan mo." Aniya.


Isang ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya bago din nito inabot ang regalo nito sa kaniya. "Ito din ang sayo o."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now