Hindi nakimik sina Vam ng ipakita sa kanila ni Philipe ang sulat na ipinadala daw ni Conrado.
"Padala ito ni Conrado at nag-aalala ako sa sitwasyon nina Eugene sa America." Ang wika ni Philipe sa tatlo.
Wala si Mun dahil mahigpit niyang ibinilin sa mummy na bantayang mabuti si Anjiri dahil hindi sila halos magkasama lalong-lalo na dahil nagpaparamdam na si Conrado.
"Baka sa pagkakataong ito ay nag-aabang na ang mga tauhan ni Conrado para dukutin ang tatlo."
"Hindi ba niya alam ang tungkol sa sulat?" tanong ni Loo.
"Alam na niya. Pinapauwi ko na nga siya para masiguro ang kaligtasan nila. Hindi niyo ba napansin na isang buwan ang nagdaan bago muling nagparamdam si Conrado sa sulat na ito? Tiyak na nagpaplano siya para hindi pumalpak ang gagawin."
"Uuwi ba sila?" seryosong tanong ni Vam pero halata sa boses ang pananabik.
"Nagdadalawang isip pa si Eugene ngayon. Nag-aalala nga siya para sa mga apo dahil napabarkada ang mga ito."
Bahagya nilang ikinagulat yun.
Yun na kaya ang sinabi sa kanila ni Anjiri?
Nangyayari na ba?
"Baka dahil doon ay mas mapahamak ang tatlo."
"Ano ang natin gagawin ngayon?" tanong ni Civ.
Nag-isip sandali si Philipe. Tumingin siya sa labas ng bintana.
"May sarili akong Private Plane. Sunduin niyo sila doon."
Patda ang tatlo.
"Alam ba ito ni Eugene."
"Hindi. Pero hindi naman niya kailangang malaman. Sa huli ay yun din ang magiging pasya niya."
"Mga halimaw kami, Philipe." Ang wika ni Loo.
"Gabi kayong dadating doon. Kayo na ang bahala kung paano niyo itatago ang anyo niyo. Basta ang mahalaga, nandito na sila sa lalong madaling panahon."
Walang sumagot sa kanila.
Excited lang?
Naman!
~~~~~~~~~
"Aalis kayo?" ang gulat na tanong ni Mun sa mga kasama ng madatnang naghahanda ang mga ito.
"Oo. Kailangan naming sunduin sina Eugene. Dilikado dahil alam ni Conrado kung saan sila naroroon." Sagot ni Vam.
ВИ ЧИТАЄТЕ
Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]
ФентезіAkalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na tinatawag na Vermillion Academy kung saan, bawal ang tao. Kaya lang nabula...