Chapter 154_ Kagustuhang Lumaya

118 15 0
                                    


Tinakpan ni Gera ang mga teynga niya. Dinig na dinig niya kasi ang tawag ni Civ sa kaniya. Panay ang pakiusap nito pero ayaw niyang makinig. Wala siyang panahon na makita o makausap pa ito. Ayaw na niya itong harapin pa.


Nakatago lang siya sa closet at nakabaluktot. Wala na siyang planong lumabas doon. Sana ay umalis na ito at wag na lang siyang pakialaman pa. Nakapikit lang siya ng mariin. Inaalis ito sa isipan. Inaalis ang sakit na nararamdaman niya.


Maya-maya lang ay hindi na niya nadinig ang boses ni Civ. Siguro ay umalis na ito. Siguro ay napagod na ito sa kakahanap sa kaniya. Mabuti naman kung ganoon. Ayaw na kasi niya itong makita kung hindi rin naman Gera ang tingin nito sa kaniya.


"Miss, ayos ka lang ba."


Gulat na napabangon si Gera ng may kumalabit sa kaniya. Nagtaka siya dahil isa yung halimaw na suot ang uniporme ng Vermillion Academy. Mas lalo pa siyang nagulat dahil nasa labas na siya. "Anong..." tumingin siya sa paligid.


"Ayos ka lang? Kailangan mo ba ng tulong?"


"H-Hindi. Hindi na salamat."


"Okay, mag-iingat ka na lang." saka ito umalis.


Nasundan niya ng tingin ang lalaking halimaw at mas lalo pa siyang nagulat dahil nakikita niya ang gusali ng Vermillion Academy. Tiningnan niya ang kinaroroonan niya. Nakaupo siya sa damuhan at pinapalibutan ng mga punong kahoy.


Kaagad siyang tumayo at nagtatakang tiningnan ang paligid.


Nananaginip ba siya? Nasa closet lang naman siya kaya bakit siya mapapadpad doon.


Kahit naguguluhan ay nilakad na lang niya ang paligid at pinuntahan ang Vermillion Academy. Isang nilalang ang nakilala niya pero agad siyang natigilan ng makilala ito. Mas lalo pa siyang nagulat ng makita kung sino ang humihila dito.


Sina Civ at Meriam yun.


Napahawak siya sa dibdib dahil kumirot na naman yun. Napakubli siya sa puno habang pinagmamasdan ang mga ito. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Civ habang hinahayaan si Meriam na hilahin ito. Samantalang si Meriam ay panay naman ang salita at halatang masayang-masaya.


Anong ginagawa niya sa lugar na yun? Anong ilusyon ba yun?


"Shiro?" tawag niya sa kawalan. Alam niyang si Shiro ang may gawa non. Nakasama niya ito ng apat na araw kaya alam niya kung ano ang kakayahan nito. "Shiro anong ginagawa mo? Ba't mo ito pinapakita sa akin?" nagsimula siyang maluha pero pinigil niyang umiyak.


Tapos na siyang umiyak.


"Shiro!" sigaw niya. Kaya lang ay wala siyang sagot na nadinig sa lalaki.


Pinagmasdan lang niya si Civ. May tuwa at hindi makapaniwala sa anyo nito habang nakatitig kay Meriam. Kasama na nito sina Vam at isa pang lalaki. Marahil ay si Benjamin yun. Kitang-kita niya ang saya sa mga ito habang nagbabangayan. Dinig na dinig niya yun mula sa kinaroroonan niya.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now