Chapter 138_Kondisyon ng Pasaway

161 16 2
                                    

"Titigil ka ba o ako ang bubugbug sa kaniya para magtino?"

Gulat na mabilis tumingin sa pinsan niya si Gera. Seryoso na itong nakatitig sa kaniya. Pinanlakihan siya ng mga mata ng magsalubong ang mga mata nila at parang nabasa nito ang iniisip niya. Matagal bago siya nakapagsalita. "A-ano bang pinagsasabi mo?" tinawanan niyo yun ng maiksi.

Pero wala itong reaksyon, nakatitig lang ng mataman sa kaniya. Sinasabing alam nito at hindi ito papayag na wala itong gagawin.

"Magtitiis ka na lang?" tanong niya.

Tinitigan lang niya si Enjeru. May kung ano sa titig nito na gusto niyang sumuko na lang at sabihin dito ang lahat. Sa pagkakataong yun ay parang nakahanap siya ng kakampi. Kaya nga ba ayaw niyang malaman nito dahil yun ang mangyayari eh. Dahil si Civ ang sisisihin nito.

"P-Paano mo alam?" ang boses niya ay parang bibigay na rin.

"Maliit pa lang kayo, kasama ko na kayo noh? Sanay na ako sa mga kinikilos niyo ni Erena at parang alam ko na kung ano ang iniisip niyo. Lalo ka na, totoo na tahimik ka lang. Totoo na naglilihim ka lang, pero Gera hindi mo maitatago sa akin ang lungkot sa mga mata mo. Ang pait sa boses mo. Sana ginalingan mo ng hindi ko napapansin noh?"

Hindi siya nagsalita. Nakagat lang niya ang labi.

"Yun ba ang ginagawa mo ngayon? Ang tanong tungkol sa first love?"

Matagal bago siya tumango.

"Eh di parang laro-laro lang din pala na naging kayo ni Civ."

Hindi siya sumagot dahil nag-aalala siya sa himig ng boses nito.

"What do you know? Civ is a jerk din pala." Natawa ito ng maiksi pero hindi nagbibiro ang mga mata nito.

Nanatili lang walang imik si Gera. Kinakabahan siya sa mangyayari. Ayaw niya ng gulo. Kaya nga naglihim siya dahil alam niyang magkakagulo oras na malaman ni Enjeru o ni Erena. Hangga't maaari ayaw niyang magalit ang mga ito kay Civ.

Pero huli na, nalaman na ni Enjeru. Alam niyang hindi niya ito mapaglilihiman pero masyado naman kasing maaga na nalaman nito.

Biglang tumayo ang pinsan niya kaya nagulat siya.

"Saglit lang Enjeru. Saan ka pupunta?" Mabilis niyang napigilan ang braso nito. "Please, wag kang gumawa ng kakaiba. Nakikiusap ako sayo." Halos magmakaawa na siya. Kilala niya si Enjeru. Kilala ng lahat si Enjeru. Sigurado siyang magkakagulo. Ito ang pinaka-huling tao na gusto niyang sabihan sa lahat ng yun.

Ngumiti ito ng matamis. "Gigisingin ko lang siya." Masigla ang boses nito pero hindi ang mga mata nito.

"Pakiusap wag!" hinila niya ito at ibinalik sa pag-upo. "Ayaw kong magkagulo kayong lahat. Pakiusap."

Marahas na bumuntong-hinga ito at naupo na lang doon. "Ba't mo ba ako pinipigilan?"

"Wala namang kasalanan si Civ. Ako naman ang dapat sisihin dahil ako ang pumayag. Nakiusap naman siya sa akin, may choice na hindi ako pumayag pero pumayag pa rin ako. Kung ano man ang nangyayari sa akin, ako na ang bahala dito."

Walang naging sagot si Enjeru sa kaniya. Nakatitig lang ito ng mataman sa kaniya. Halatang hindi natutuwa dahil sa nakikita niyang ekspresyon sa mga mata nito.

"Pakiusap Enjeru. Wag ka na lang makialam. Ako na ang bahala dito. Gagawa ako ng paraan."

"Hanggang kailan?"

Nanlulumong napayuko na lang siya. "Hindi ko alam eh."

"Kaya iiyak ka na lang ng palihim sa tuwing nasasaktan ka, ganoon?" Hindi sumagot si Gera. "Akala mo ba hindi ko napapansin ang pamumula sa mga mata mo pagkatapos mong makasama si Civ? Anong nangyari kanina? Lumabas ka ng umiiyak."

Pero pinili niyang wag magsalita. Baka kasi kapag nalaman nito ay lalo itong mangagalaiti.

"Tinawag ka niyang Meriam?"

Lalo siyang napayuko lalo na ng madinig niya ang pagmumura nito.

"Tapusin mo ito Gera dahil kung hindi, ako ang tatapos dito at ipapabugbug ko sa kapatid mo ang gagong yun." Napatingin siya sa babae. "Hindi lang yun, sasabihin ko kay Lolo na ipadala ka sa boarding school malayong-malayo sa lugar na ito. Ng sa ganoon ay hindi na kayo magkikita kailanman."

"Uulitin mo ang ginawa ni Lolo kina Meriam at Civ dati?" natawa siya ng maiksi dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Sasaktan mo rin ba si Civ gamit non?"

"Hindi ka mahal ni Civ!" mariiing pagkakasabi nito. Mahina lang ang boses pero ramdam niya ang pinipigilang galit doon.

Hindi siya nakaimik. Para siyang sinampal sa sinabi nito at nasasaktan siya ng sobra pero hindi siya bumigay. Ayaw niyang bumigay sa harap nito dahil sigurado siyang susugurin nito si Civ.

"Gaano mo katagal magtitiis? Gaano katagal kang magpapanggap bilang si Meriam? Hindi ka niya mamahalin bilang ikaw kung walang laman ang puso't isip niya kundi ang mama mo." May diin ang pagkakasabi nito.

"I-Ikaw naman ang nagsabi na gawin ang kabaligtaran diba?"

"Gera, wag bobo please." Asik nito. "Kung effective yun, eh di dapat hindi ka niya tinawag na Meriam kanina diba?"

Hindi siya nagsalita.

Bumuntong-hinga ng marahas ang pinsan niya at kumalma na ang anyo nito. "Kapag nalaman ito ni Lolo, hinding-hindi matutuwa yun, sinasabi ko sayo. Hindi lang ikaw ang ilalayo niya dito kundi kami ring dalawa ni Erena. Ayos lang ba sayong mangyari kina Erena at Vam ang nangyari kina Meriam at Civ dati? Isa pa, hindi naman siguro parehas talaga eh. Hindi naman naging magkasintahan sina Meriam at Civ. Kaya nga ginawa kang substitute para maipagpatuloy niya ang hindi niya nagawa dati nong nabubuhay pa si Meriam. Siraulong pusa yun."

Nanatili lang tahimik si Gera.

"So ano ang gagawin mo?"

"Hayaan mo akong gumawa ng paraan."

"Ititigil mo na ito?"

Hindi siya sumagot.

"Bibigyan kita ng panahon na gawan ito ng paraan."

Tumango lang siya.

===============================

Next, Chapter 139_Hindi mapakaling pusa

Updates on 9/9

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon