Chapter 108 _ Ayaw sa Mummy

198 16 2
                                    




Mukha agad ni Mun ang sumalubong sa pagdilat ni Anjiri.


"Ayos ka na?"


Takang tiningnan ng babae ang paligid. Nakahiga lang siya sa isa sa higaan doon at nasa kabila lang sina Gera at Erena. Parehong tulog pa ang dalawa.


"I-ikaw ba? Ayos na? Ba't ka bumangon?" tanong niya.


"Nag-alala ako." sagot nito.


Bahagya siyang natigilan bago nginitian ito ng nakakaloka. "Ikaw ha? Pa-cheezy line ka agad diyan." Nagpumilit siyang bumangon pero napa-aray siya ng kumirot ang sugat niya sa tiyan.


Inalalayan siya ni Mun.


"Akala ko natuluyan ka na!" wika nito.


Hindi siya sumagot na bumalik sa alaala ang nangyari. Nong tagain siya ni Conrado. Naramdaman pa niya nag sakit at panlalamig ng katawan niya. "Bakit nga ba hindi?"


"Dahil kalahating halimaw ka. Kahit papaano ay malakas ang katawan mo kesa sa ordinaryong tao."


Nagkibit-balikat na lang ang babae. "Sabagay. Ikaw ba? Maayos na?"


"Madali lang gumaling ang mga halimaw na tulad ko."


"Talaga?" hinampas niya ang braso nito pero napa-aray ito ng malakas. "Bakit hindi?" nangungutya nitong tanong.


"Di mo naman kailangang hampasin eh!" reklamo nito habang sapo-sapao ang braso. "Nga pala, may ipinangako ka sa akin diba?"


Natigilan si Anjiri. "Meron?"


"Sinabi mong kapag nakabalik ka ng buhay..."


"Naku, oo nga." Tumawa ito. "So ano? Ayos lang sayo? Kasi baka mandiri ka na naman sa akin."


Ngumiti lang ito na hinawakan ang kamay niya.


"Hindi, Anjiri." Seryosong sambit nito.


Tumawa siya ng malutong. "Ipangako mo yan ha?"


"Pangako," nagtaas ito ng kanang kamay.


Masayang inabot niya ito at agad na niyakap. Gumanti din ito. Well, masaya na siya. Yung sayang mahirap ipaliwanag.


"Anjiri," mula sa pinto ay bumungad ang mama niyang si Austina.


Pero hindi yun ang ikinagulat ni Anjiri kundi ang biglaang pag-layo ni Mun sa kaniya. Umatras pa ito ng bahagya.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now