Chapter 162_Huli Ka

122 15 6
                                    


Walang imik na kinuha ni Gera ang inabot na apple candy ni Shiro sa kaniya. May matamis na ngiti ito habang nakatitig ng mataman sa kaniya.


"Ayaw mo ba?"


Hindi siya nakapagsalita.


Hindi ang pagkain ang tinutukoy nito. Sinabi sa kaniya ni Shiro ang plano nitong ibigay na test kay Civ.


"Gagawin ko ito para magkaayos na kayo, Gera. Alam nating pareho na mahal mo pa rin siya pero natatakot ka lang dahil baka si Meriam pa rin ang tingin niya sayo kaya ayaw mong sumugal diba?"


"Paano kung mabigo siya sa test na yun?"


"Eh di tama kang hindi sumugal ulit. Pero paano kung magtagumpay siya? Maniniwala ka na ba? Tatanggapin mo ba siya ng buo ulit?"


Kung magtatagumpay si Civ na mahanap siya sa napakaraming Meriam, ba't naman hindi? Hindi ba't magandang bagay na natagpuan siya nito as Gera sa kabila ng mga Meriam na makikita nito? Ibig sabihin ay hindi ito na-didistract sa maraming Meriam na nakikita at ang tanging laman ng isip nito ay siya.


Dahil tuloy doon ay kinakabahan siya at na-excite.


"Okay." Sagot na lang niya. "Bigyan mo siya ng test."


"Handa ka na bang sumuko kapag nabigo siya?"


Matagal bago siya tumango. "Handa na ako."


"Okay." May hindi maipaliwanag na saya sa labi nito. Palagay niya ay saya yun dahil mapaglalaruan nito ang kapatid nito. Palagay niya ay hindi naman nito ginagawa ang lahat ng yun para tulungan siya eh, parang ginagawa lang nito ang lahat ng yun para paglaruan si Civ.


Para bang kasayahan nitong makita ang reaksyon ng kapatid. Para bang prankster na may brother complex kunti.


"Wag kang maingay ha? Malalaman niyang ikaw yan. Tahimik ka lang and try to act cool."


"Para saan naman itong apple candy?" itinaas niya ang hawak.


"Sa akin yan. Pinapahawak ko lang sayo. Wag mong kainin ha?" Saka na ito tumalikod at pinuntahan ang kambal. Sa dami marahil ng tao doon ay nawala agad ito sa paningin niya. Napasimangot siya dahil ang dami nga talagang tao doon. Tumingin siya sa paligid ng may mapansin siyang bakanting bench. Kaagad niya yung tinakbo dahil baka maunahan pa siya.


Kailangan lang naman niyang maghintay kay Civ diba? So hindi na niya kailangan pang mamasyal at mamili. Isa pa, mahirap din yun dahil hindi siya marunong magsalita ng hapon. Hindi rin lahat nakakapagsalita ng Inglis ang mga hapon doon kaya mas mabuti pang maupo na lang siya doon.


Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naghintay doon. Pero siguro nga hindi madaling maghanap ng iisang tao kung iisang mukha lang naman ang nakikita ni Civ. Sana magsawa ito sa mga nakikitang Meriam para naman hindi na ulit siya nito tawaging Meriam.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now