Chapter 11_Sneak Out ni Pasaway

594 25 0
                                    



"Lights out!" ang wika ng guro sa kanila ng bumungad ito sa pinto. Hinintay muna nitong mahiga sila sa higaan nila bago nito pinatay ang ilaw ng silid at sara ng pinto.


Dumilim na ang paligid ng biglang pailawin ni Enjeru ang lampshade niya sa tabi.


Napabangon ang magkapatid ng bumaba siya ng kama at sinuot ang tsinelas.


"Enjeru, saan ka pupunta?" tanong ni Gera dito.


"Lalabas, duh!" sagot niya saka inabot ang jacket at isinuot. Nakapajama pa naman siya. Tiyak kasing malamig.


"Lalabas ka eh curfew na. Parang hindi mo naman alam yun." wika ni Erena sa kaniya.


"Wala, may titingnan lang ako. susubukan o titingnan ko kung ano ba ang ibig sabihin ni Loo." Aniy saka tinali ang buhok, ay mali, sinuklayan lang pala. Maiksi nga pala ang buhok niya. "Isa pa, ang wierd na may curfew ang mga halimaw. Sa Gabi!"


"Sinabi ni Loo? Bakit? Sinabi ba niyang mag-date kayo in the Moonlight Midnight?" si Gera.


Tinawanan lang niya ang sinabi nito pero napaka-seryoso ng mukha nito.


"Date agad-agad? Masyado ka namang advance eh."


"Oo nga, saka taboo daw ang isang tao at halimaw noh?" nahiga na lang ulit si Erena.


Tumayo si Enjeru ng maayos na ang sarili. "Hindi kayo sasama sa akin?" tanong niya sa dalawa.


Inikot ni Gerarudin ang itim na mata saka nahiga ulit sa kama. "Bahala ka sa buhay mo. Kapag nahuli ka, walang damayan ha?"


Sinimangutan lang niya ang mga pinsang nakahiga na. Masarap nga matulog kaya lang gustong-gusto niyang makita ang mga nilalang na tinutukoy ni Loo.


Mas maigi yung mas maaga niyang malaman para mas maging handa silang magpinsan doon. Sila-sila lang ang naroroon kaya kailangang pag-ingatan ang bawat isa.


Siya ang pinakamatanda doon kaya obligasyon niya yun.


Dilikadong mahuli pero madaling malusutan yun. Pwede naman siyang magpanggap na nag-e-sleep walking.


"Bumalik ka na lang," bilin ni Gera.


Ang bait ng mga pinsan niya noh?


Tumayo na lang siya at dahan-dahang lumabas.


Madilim ang hallway paglabas niya. Wala nga siyang gaanong maaninag sa sobrang dilim pero hihintayin lang niya ang pag-activate ng night vision niya at gumana nga dahil may naaninag na siyang daan.


Dahan-dahan siyang naglakad. Hindi alam kung saan pupunta. Basta, kung saan na lang siguro siya dadalhin ng mga paa niya.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now