Chapter 80 _Future ng Tatlo

264 18 0
                                    

Naikunot ni Anjiri ang noo ng makitang may dalang kalendaryo si Vam at kasalukuyan nitong binubura ang mga petsang tapos na.


"Oi, ano yang ginagawa mo?" tanong niya dito.


"Obvious ba? Binubura ko ang mga araw na wala dito si Erena. Kailangan kong bantayan ang panahon dahil baka hindi ko malaman, sampung taon na pala ang nagdaan." Sagot nito.


"Naks naman, ang sweet o. Pero wala ka non? Dalaga na si Erena pagbalik nila dito?"


Sandali itong di sumagot. "Pero mas maganda talaga kung masubaybayan ko ang paglaki niya." may tipid na ngiti ito.


"Hindi mo naman siguro nakalimutang pwede kayong maghiwalay nong ligawan mo siya diba?" tanong bigla ni Mun.


Tinawanan niya yun. "Anong ligaw? Wala namang ligawan ang nangyari eh." Kontra ni Anjiri sa mummy. "Ganito lang lovestory nila o, frenemy to in-love an to awkward-an tapos ayon, sila na."


Pumiksi lang si Mun.


"Sa katunayan di ko naisip yun. Nakalimutan ko ngang di pala sila pwedeng magtagal dito." Sagot lang ng bampira.


Nagkibit-balikat lang si Anjiri. Ang tabang naman nitong sumagot.


Tiningnan niya si Loo.


Natutulog ito.


Pero diba tapos na ang winter season? Hindi na nito kailangan mag-hybernate. Pero in the first place, hindi naman nagha-hybernate ang mga Alamid eh. Siguro mahilig lang talaga itong matulog. Kaya kahit ngayon ay natutulog pa rin. Sabagay, kung wala na ang taong kukulit dito ay malamang na talagang mahimbing na itong makakatulog.


"Ikaw ba, Anjiri? Magtatagal ka ba dito?" tanong ni Vam sa kaniya.


Bahagya siyang natigilan doon. Si Mun ang tiningnan niya pero nag-iwas ito bigla ng tingin. Napangiti na lang siya. Alam niyang inaabangan nito ang sagot niya.


"Siguro, isipin niyo na lang na, walang tao ang dapat na nag-aaral sa paaralang ito."


"Pero kalahati ka naman."


"Oo, kaya lang nasa hanay pa rin ng tao ang pang-pisikal na anyo ko. Nasa hanay din ng tao ang pagtanda ko. Kung hindi lang siguro ako marunong tumingin sa hinaharap, tao na talaga ako." sagot niya.


Napatango na lang ito.


Si Mun ang hindi umimik.


Ayee, alam niyang ayaw nitong umalis siya. Pakipot pa eh.


"Oi, Mun." Tawag niya dito.


"Ano?" tiningnan siya nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now