Chapter 128 _ Ang tunay na Kinakasal

173 13 2
                                    



"Enjeru!"

Patda si Enjeru ng makita si Loo na bumungad sa pinto ng silid.

Mabilis na dumako sa prensepe ang paningin nito at bahagyang natuwa. "Magaling at nagtagumpay ka sa ginawa mo."

Hindi nakakibo si Enjeru habang nakatitig sa Alamid. Pinamulahan siya at napalunok. Ngayong nakikita niya si Loo ay mas lalo siyang naiinis sa ginawa ng prinsepe.

Tumalikod na lang siya dahilan para magulat ito.

Unfair sa side ni Loo na ibang lalaki ang unang nakahalik sa kaniya pero hindi naman sila diba? Hindi naman siya nito pag-aari para lang masabing nagtaksil siya dito.

Hindi kaya lang, unfair eh. Ito dapat ang first kiss niya. Kay Loo dapat yun.

Tapos maaagaw lang ng iba. Unfair!

Gusto tuloy niyang bugbugin ang prinsepe pero nagpigil na lang siya.

"Hoy, Enejru. Ayos ka lang ba?" tawag nito.

Hindi siya sumagot na napatakip na lang sa bibig. Hindi naman nito alam diba? Dapat hindi siya mahiya. Hindi naman nito malalaman kung hindi niya sasabihin eh.

So dapat maglihim lang siya.

Di dapat nito malaman.

Baka kasi mandiri ito sa kaniya. Wala pa nga siyang naging boyfriend ay kung sino-sino na ang hinahalikan niya. Baka nga tawagin na naman siya nitong malandi eh.

Baka kung ano ang isipin nito. Kesyo sa sobrang landi ay nagpahalik siya sa kung sino-sino na lang.

Hindi magandang bagay yun.

"Hoy!"

Napatili siya ng malakas ng hawakan nito ang ang balikat niya.

Nagulat si Loo sa naging reaksyon nito. Kung maka-react naman dinaig pa ang horror.

"Ano?" gulat na tanong ng babae na hindi makatinign ng deretso sa kaniya. Namumula ito habang nakatakip sa bibig.

"May nangyari ba?" tiningnan ni Loo ang prinsepeng walang malay bago ito. Nagulat pa siya dahil natataranta ito.

"Ah, eh, w-wala. Ano, tawagin mo na sina Mun at Anjiri. Sabihin mo sa kanila na handa na." Sagot nito habang nakaiwas ng tingin.

Alinlangang umalis na lang siya. Ang weird lang kasi ng reaksyon nito lalo na dahil hindi ito makatingin ng deretso sa kaniya.

Ano na naman kaya ang problema nito?

Natigilan siya sa paglalakad ng madinig ang bulong nito.

"Sorry, Loo."

Napasulyap siya sa babae. Nakatalikod lang ito habang nakayuko.

Bakit ba? Anong meron?



~~~~~~~~~

Napangiti na lang ang Pharaoh habang pinagmamasdan ang nagmamartsa ng bride palapit sa naghihitay na si Ashanak.

Ang high priest nila nag magkakasal sa dalawa. Oras na mag-isang dibdib ang dalawa ay tiyak na malalaman na ng buong Rojo Nou na may Anghel siyang pag-aari.

Napakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang babae. Halata sa anyo nito ang kaba pero masaya. Nasa mga mata nito ang pagmamahal.

Imposebli naman nagustuhan agad nito si Ashanak kaya ito pumayag. Eh di mas maigi.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें