Chapter 119 _ Paglalakbay sa Disyerto

183 12 0
                                    



"Sa tingin niyo ba hindi natin kayang lakbayin ang sinasabi ng ginang? Kaya yun eh." tanong ni Enjeru sa mga kasama.


Naghahapunan na sila sa silid matapos makapamili ng mga kakailanganin.


"Nasasabi mo lang yan dahil nandito kami. Ano na lang kung wala kami?" tanong ni Vam.


"Kaya pa rin."


"Wala ka rin namang silbi sa umaga eh." Dugtong ni Gera.


Hindi nakaimik ang bampira kaya tinawanan lang nila ito.


"Kompleto na ang lahat sa pag-alis natin bukas. Ang kailangan pa ay tibay at tiyaga para marating natin ang sinasabing templo. Hopefully nandoon sana si Mun." Si Enjeru.


"Nakita mo kamo ang templo Anjiri?" baling ni Civ sa babae.


Tumango lang ito. "Nakita ko yun pagkatapos ng sinabi ng ginang. Malalaman ko kung yun nga ang templo. Sana nga mahanap natin ang mesteryosong templo na yun."


"Dinaig pa pala ang floating island eh."


"Kahit papaano ay hindi na natin kailangan pang libutin ang buong bansa." Si Loo.


"May nakita ka bang mummy?" tanong ni Erena.


Umiling lang si Anjiri. "Bagamma't nakita ko ang pasikot-sikot na looban ng templo hanggang sa nahinto sa pader na puno ng heiroglypics."


"Tungkol nga pala diyan. Ito, bumili na rin ako ng diksyonaryo ng mga simbulong yan." May ipinakita si Enjeru. Maliit yun pero makapal.


"May nabibinta ng ganito dito?" manghang tanong ni Vam.


"May nadaanan akong antique store. Nakita ko yan kaya binili ko na."


"Ibang klase ka rin noh? Ilan ba ang nanakaw mo sa lolo mo?"


"Anong nanakaw? Sipain pa kita diyan eh. Lahat ng iginastos ko, mula sa credit card ko na hinuhulugan ni Lolo buwan-buwan. For future plans daw. Eh ito ang future plans ko. Saka, barya lang naman ang kinuha ko eh."


"Barya ha."


"Wag niyo ng isipin yun. Meron rin kina Erena at Gera pero di pa nila ma-access dahil wala pa silang eighteen. Ako pa lang ang nakaka-access sa akin kaya ako na ang gagastos sa lahat. Basta, maaga tayong aalis bukas. Yung hindi pa sumisikat ang araw."


Habang maaga pa ay kailangan agad nilang maghanap.


Walang kahit na anong jeep ang makakapunta doon dahil sa malalaking dunes at malakas na hangin. Camel lang ang may kakayahang maglakbay doon.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt