Chapter 92 _ Pagsisimula

246 14 0
                                    



"Anjiri, ayos ka lang?" tanong ni Mun sa babae habang nakayuko ito.


Bahagya lang itong tumango.


Tiningnan lang niya ang paligid.


Nasa ilalim sila ng kweba na sobrang tahimik. Tanging ang ilaw mula sa lamparang malapit sa kanila ang nagsisilbing liwanag.


Mainit sa lugar na yun at mahirap huminga dahil parang wala ng oxygen doon. Wala sa kaniya yun dahil halimaw naman siya pero tao pa rin si Anjiri.


Magkatapat silang nakaupo sa sahig habang nakatali ang buong katawan. Maliban sa ulo kaya hindi siya makakilos.


Dinala sila doon at inihiwalay kay Philipe matapos silang mahuli ni Conrado na nagpanggap na Philipe.


Pinilit niyang kumilos pero di niya kaya. Ilang beses na niyang sinubukan yun pero nahihirapan siya. Kailangan nilang makaalis doon at balaan sina Eugene sa pwedeng mangyari.


"Natatakot ako, Mun."


Bahagya siyang natigilan saka niya tiningnan si Anjiri. Nakatingin lang ito sa sahig. Ang lungkot ng mga mata nito.


"Wag kang matakot. Nandito naman ako. Hindi ka nag-iisa. Gagawa ako ng paraan para makawala tayo dito. Madilim pero wag kang magpadala." Aniya lang.


"Hindi ang dilim ng paligid ang kinatatakutan ko kundi ang dilim ng nakikita ko. Wala akong makita sa hinarahap. Natatakot ako sa susunod na mangyayari. Hindi ako sanay."


Hindi siya kumibo na tinitigan lang ito. "Kaya ka ba kampante dahil sa mga nakikita mo?"


Tumango ito. "Pero ngayon, natatakot ako."


"Anjiri," tawag niya pero wala iotng tugon. "Anjiri, tumingin ka sa akin. Tingnan mo ako."


Sumulyap ito sa kaniya. Tinitigan ang mga mata niyang nakatitig din dito.


"Magiging maayos ang lahat. Hindi mo kailangang makita ang sunod na mangyayari para maging panatag ka. Magiging maayos ito. Pangako."


Pero hindi ito sumagot.


"Sinasabi mo lang yan pero ang totoo natatakot ka rin diba?" tanong nito maya-maya.


Hindi siya nakaimik.


Hindi na nawala ang takot na yun simula kahapon. At kahit anong kalma ang gawin niya ay hindi na naalis yun.


Tiningnan nito ang lampara ng hindi siya umimik.


"Kahit halimaw ka ay may tyansa pa rin na matakot ka diba?" wika nito.


"Oo, pero isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko. Hindi ang dilim, ang mangyayari o ang mapahamak ako."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now