Chapter 45 _ Simula

291 21 0
                                    



"Loo, ba't di mo ginagalaw yang regalo mo?" tanong sa kaniya ni Mun ng mapansin nitong nakapatong pa ang regalo sa higaan niya.


Tiningnan lang niya ang regalo. Di naman maliit yun at di rin malaki. Parang box lang na karaniwang laki. Nakabalot yun ng pulang raper. Di na lang niya yun pinansin.


"Hindi siya thrilled dahil hindi si Enjeru ang nagbigay." Ang nakatawang tukso ni Vam.


"Tumahimik ka nga!" asar na sita niya dito. Wala namang katotohanan yun eh.


Wala nga ba?


"Di nga?" tudyo na rin ni Mun.


"Karma yan. Cheater ka kasi." Si Civ.


Tinitigan niya ang tatlo ng masama saka inirapan na lang. Aasarin lang siya ng mga ito lalo kapag pinatulan pa niya eh.


"Tingnan mo na lang kaya noh? Pambabatos yan kay Eugene eh." Si Vam.


Bumuntong-hinga na lang siya na naupo sa higaan saka yun kinuha at dahan-dahang binuksan. Wala lang siyang gana kaya pinagtawanan lang siya ng mga loko-lokong kaibigan.


Tinanggal niya ang takip non saka tiningnan ang loob non. May nakita siyang pamilyar na kulay ng yarn doon at isang sulat.


Kinuha niya ang sulat.


'Loo, ito ang regalong gawa ni Enjeru para sayo na ipinadaan niya sa akin. Sana magustuhan mo. Pakana niya ito eh.'


Manghang agad niyang nilapag ang sulat saka dali-daling kinuha ang pamilyar na yarn. Di rin halatang excited siya noh?


Napakurap siya ng makita ang isang bonnet na ka-terno ng scarf.


"Ano yan? Di ba yan din ang tela na gawa ni Enjeru sa scarf?" tanong ni Vam. Nagulat din.


Tiningnan niya ang tatlo. May kaliwanagan sa tingin ng mga ito. Para bang na-gets agad na ang bonnet na yun ay handmade ni Enjeru.


Ba't kailangang idaan pa kay Eugene?


Surprise lang?


Ta mo' na surprise siya!



~~~~~~~~~~


Nagpatango-tango na lang si Enjeru habang paulit-ulit niyang niyuyugyug ang regalo para mag-snow. Alam niyang nakita na ni Loo ang regalo niya.


Sa katunayan ay pinakiusapan niya ang lolo niya kanina na ang regalong yun na lang ang ibigay. Gusto sana niyang ibigay kay Loo yun ng harap-harapan pero ayun nga himala, tinablan siya ng hiya.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz