Chapter 109 _ Hindi alam na pang-aakit

197 15 0
                                    



"Lolo?" tanong ni Enjeru sa matanda ng magising na ito. Pinuntahan niya ito para masigurong maayos na ito.


Dumilat ito saka napatitig sa kaniya. Maya-maya ay napangiti ito at hinawakan ang kamay niya. "Nakita ko si Armaline." Para itong maiiyak sa sinasabi niya.


Tumango lang si Enjeru.


"Nagpakita siya sa panaginip ko sa unang pagkakataon. Humihingi siya ng tawad tungkol sa lahat ng nangyari."


Inalalayan ni Enjeru na maupo ito. Nginitian lang niya ito. "Kahit papaano ay hindi pa rin tayo pinapabayaan ni Lola, lolo. Tinulungan pa rin niya tayo laban kay Conrado."


Nakangiting tumango ito. "Hindi ko lang siguro inaasahan na malapit na magkaibigan sila ni Conrado. Humihingi siya ng tawad sa akin kumbakit hindi niya sinabi sa akin yun at ang gustong gawin ni Conrado. Siguro kung nasabi niya ay hindi sana mawawala ang mga magulang niyo."


Tumingin muna sa labas ng pinto si Enjeru. "Siguro nga, Lolo. Pero ayos na ang lahat." Tiningnan niya ang matanda. "Tapos na ang lahat. Matatahimik na rin tayo. Hindi na na ulit mapupuno ng takot at pag-aala para sa amin."


Kinuha ni Enjeru ang mansanas at kutsilyo sa tabi at sinimulang balatan yun saka gumawa ng bunny.


"Tama ka doon. Tapos na rin ang lahat, wala ng dahilan para manatili pa kayo dito. Aalis na tayo dito oras na umayos na ang pakiramdam nina Gera at Erena." Ang wika ni Eugene. Inaasahan niyang matitigilan ito at may paghihinayang ang tingin na titingin sa kaniya pero kalmado lang ito.


"Alam ko yun lolo," sagot nito habang abala sa ginagawa.


"Hindi ka tututol?" Napatitig si Eugene sa hinihiwa nitong mansanas.


"Naiintindihan ko naman. Pwede pa rin naman kaming dumalaw dito diba?" tanong nito saka kinagatan ang ginawa at sinubo lahat. Pagkatapos ay naghiwa ulit.


"Paano kung hindi?" panunubok niya.


"Parang mapipigilan niyo naman kami." Nginisihan siya nito.


Hindi nagustuhan ni Eugene yun. Pero alam naman niyang hindi rin nakikinig ang mga ito eh. "Seryoso ako, Enjeru." Aniya lang.


"Alam ko yun lolo. Saka tanggap ko na kung yun ang gagawin mo. Naisip ko na yan eh."


"Ayos lang sayong hindi makita si Loo?"


"Hindi. Pero desisyon niyo naman yan eh. Kaya lang tandaan niyo lolo na iniligtas nila ang buhay namin."


"Oo alam ko yun. Pero hindi kayo ang reward."


"Lolo naman. Pwede na kami para wala ng gastos." Tinawanan lang ni Enjeru ang matanda.


Tinitigan lang siya nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon