Chapter 65 _ Pagsasanib ng mga Desperado

248 15 0
                                    

"Tuloy tayo sa dirty work?" agad na salubong ni Enjeru sa kaklaseng si Cooki ng maupo siya sa tapat nito. Nasa kabilang mesa ng grupo niya.


"Anong dirty work?" naguguluhang tanong nito. "Hindi ko gagawin yun noh? Ayaw ko ng ganoon."


Tinawanan lang niya ang reaksyon nito. "Alam ko naman yun noh? Joke lang eh. Pero gusto mo rin naman pormahan si Tigress diba?" tanong niya.


Tumango ito. "Kaya lang hindi ko alam ang una kong gagawin eh." Napakamot ito sa batok.


"Relax Cookie. Nandito ako, ang Love Guru mo para tulungan ka. Actually, gusto ko rin na mawala siya sa paligid ni Loo."


"Marunong ka?"


"Oo naman noh? Babae ako eh, kaya syempre sasabihin ko sayo ang mga bagay na gusto naming mga babae." Nginisihan niya ito.


Napangiti ito. "Sabagay ay tama ka don."


"Trust me, Cookie. Magtatagumpay tayo sa plano kong ito. Ng sa ganoon ay kapag kayo na ni Tigress, sa akin na ng buong-buo ang atensyon ni Loo."


"Oo nga pala, ba't parang iniiwasan mo si Loo ngayon?"


Tinawanan niya ito. "Hindi ko siya iniiwasan. Hindi naman niya ako pinapansin in the first place. More like, binibigyan ko lang siya ng bigger space."


"Sigurado kang di ka niya pinapansin?"


Tinanguan niya ito.


"Eh ba't nakatingin siya dito?"


Natawa na lang siya na di na tiningnan ang fox. "Nagbabantay yan. Natatakot na may gawin na naman akong kabalbalan. Hayaan mo siya."


Pero nakatingin lang ito kay Loo. Alanganin ang tingin nito.


Ano ba yun? Ang scary ng dating nito yun pala babakla-bakla ito.


"Hoy!" iniliko niya ang ulo nito paharap sa kaniya. Tinitigan niya ito ng mataman. "Sa akin ka tumingin okay? Wag kang pa-distract."


"Ang sama ng titig sa akin ni Loo." Parang nag-aalalang sagot nito. "Alam kaya niya ang plano nating ipaglayo sila ni Tigress?"


Nagulat si Enjeru na napatakip sa bibig. "Naku oo nga." Tinakpan niya ang gilid ng mukha para di makita ni Loo saka niya inilapit bahagya kay Cookie. "Wag masyadong malakas ang boses mo dahil madidinig niya tayo." Bulong niya dito.


Tumango ito na ginaya ang pagtakip niya.


"Wag mo siyang tingnan dahil baka mahalata niya tayo. Kunwari nag-uusap lang tayo ng tungkol sa libro pero pag-uusapan natin ang plano natin."


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें