Chapter 131_ Bonding-bonding pag may time

158 15 0
                                    



"Ano? Sinabi mo yun?" manghang tanong ni Mun sa babae ng sabihin nito sa kaniya ang nangyari.

Nasa bakuran sila ngayon kasama ang mga kaibigan.

Proud na tumango lang si Anjiri. "Sana sinabi mo sa akin na ito pala ang dahilan kaya hindi ka komportable sa mama ko." sagot nito.

Hindi suamgot si Mun.

"Akala mo ba hindi kita kayang ipaglaban?"

"Kaya nga ayaw kong sabihin yun sayo dahil alam kong ikaw ang gagawa ng paraan. Mas gusto kong ako ang gumawa. Gusto kong patunayan sa mama mong mabuti ang intensyon ko." sagot niya.

Napangiti lang ito.

"Alam mo bang sinabi ko kay mama na ikinasal na tayo?"

Bahagya niya yung ikinagulat pero maya-maya lang ay napangiti siya. "Sinabi ko rin yun."

"Talaga? As in sinabi mo yun?" Nasapo nito ang bibig nito. "Akala ko nga magagalit ka. Hindi ko inasahan yun Mun."

"Gusto ko lang malaman niyang mahirap na tayong paghiwalayin." Hinawakan niya ang kamay nito.

Tumango lang ang babae.

"Sana wag niyong i-career ang pagiging bagong kasal ah." Ang agaw pansin ni Enjeru sa kanila.

Tiningnan nila ito at ngayon ay pinagkakatuwanan nitong paglaruan ang teynga ng walang imik na si Loo.

Para bang gusto rin yun. May lahing aso talaga.

"Hindi naman, alam ko kung saan kami lulugar." Sagot ni Mun dito.

"Hindi ikaw, yan!" tinuro nito ang nagulat na si Anjiri. "May pagkamalandi yan eh."

"Naku, nagsalita." Si Gera ang nagreklamo.

"Hindi ako nag-deny, day." Sagot nito.

"Hindi noh? Patayin pa ako ng mga magulang ko eh." Sagot ni Anjiri. "Boyfriend and girlfriend lang muna. Diba, Mun?" nginitian nito ng matamis ang mummy.

Tumango lang ito.

"Inggit?"

Napanganga si Enjeru dahil sa tanong na yun ni Anjiri. May nangungutyang titig at ngiti ito sa kaniya.

Tinawanan yun nina Erena at Gera lalo na dahil hindi siya nakapagsalita.

"H-hoy! Wag kayong magyabang ah." Asik niya. Pero tawanan lang lalo ang mga ito. "Gera, ba't ka tumawa? Porke ba kayo na? Ganoon?"

"Tumatawa lang eh." Reklamo nito.

"Wag niyo akong pangunahan. Kaya kong magka-boyfriend kung gusto ko. Kung paano ko kinukuha ang bulaklak ng mga ikinakasal ay ganoon ko din kukunin ang mga lalaki. Landi lang yan." Sagot nito. Nabigla siya ng sikuhin siya ng bahagya ni Loo. "Ba't ka naniniko?"

"Masakit na teynga ko." katwiran nito.

"Ang arte nito." Kinurot niya yun ng bahagya dahilan para mapa-aray ito at lumayo.

"Ano ka ba?"

Nagkibit-balikat na tamawa lang siya na parang tanga. "Ito nalang." Hahawakan sana niya ang buntot nito ng ilayo yun ng Alamid.

"Baka mangagat ka."

Hindi siya umimik na inignura na lang ito.

"Siguro dahil nakuha mo ang bulaklak kaya muntik ka ng magpakasal kay Ashanak." Ang komento ni Civ.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Место, где живут истории. Откройте их для себя