Chapter 77 _Goodbye is such a Sweet Sorrow

257 19 0
                                    

"Ngayon na?" malungkot na tanong ni Cookie ng sabihin ni Enjeru ang pag-alis nila.


"Oo eh. Hindi na kita magagabayan sa gagawin mong panliligaw." Aniya.


"Pero paano na?"


Nginitian lang niya ito. "Ano ka ba? Tingin mo ay hahayaan kitang nakatiwangwang lang pagkatapos kong mangako sayo? Hindi noh?" may kinuha siyang papel sa bulsa at inabot dito. "Ito o, nilista ko diyan ang dapat mong gawin hanggang sa magtagumpay ka."


Kinuha yun ng malungkot na si Cookie na kahit may ngiti ay hindi pa rin naalis ang lungkot.


"Natatakot akong gawin ito ng mag-isa eh."


"Ano ka ba?" kinatok niya ang sunga nito sa noo. Bahagya itong napaatras. "Ang astig mong halimaw pero duwag ka? Cookie, kailangan mong maging matatag at matutuong tumayo ng mag-isa. Class Representative ka diba? Gamitin mo yun at kumilos ng mag-isa. Aba, kung makakatuluyan mo si Tigress paano mo siya ipagtatanggol, aber?"


Di ito sumagot. Maya-maya ay napangiti na lang. "Sabagay ay tama ka. Siguro nga ay yun na lang ang isipin ko para magkaroon ako ng lakas ng loob."


"Tama yan. Dapat sa susunod na pagkikita natin, kung pahihintulutan, kayo na. Wag mong hahayang maging sila ni Loo okay? Magagalit ako." aniya.


Nakangiting tumango lang ito. "Mami-miss kita."


Napangiti siya. "Ako din." Tinapik niya ang balikat nito. "At kayo din." Hinarap niya ang mga kaklase na nagulat pa.


"Ayos ka lang?" takang tanong ni Brain.


"Ma-mimiss ko kayong lahat, my dear classmates. Sana wag niyong kalilimutan ang magandang mukha na ito na bumulabog sa pananahimik niyo." Aniya.


"Gutom ka lang." sigaw ni Pu.


"Baliw." Si Sit.


Pero tinawanan lang niya yun ng malutong. Ang sweet naman ng mga ito. Muli niyang tiningnan si Cookie na nakatingin sa kaniya.


"Fight." Aniya lang dito.


Isang kiming ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya. Pero sapat na yun. May tiwala siyang makakaya nito.


Napasulyap siya kay Loo na nakasandal sa gilid ng pinto. Para bang hinihintay lang siyang matapos para makausap.


Ang sarap talagang kumanta ng 'paalam na aking mahal noh?


~~~~~~


"Parang Deja Vu,"


Bahagyang natigilan sa pag-iimpake si Gera ng madinig ang boses na yun ni Civ. Nakasandal ito sa gilid ng pinto. Ni hindi man lang niya napansing pumasok doon.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora