Chapter 55 _ Takas para Magligtas

301 19 1
                                    

Bahagyang napaigik si Anjiri ng bumangga siya sa pader ng silid pagkatapos itulak ng galit na si Enjeru. Kahit sina Gera at Erena ay nagulat sa ginawa ng pinsan.


Takang tiningala ni Anjiri ang galit na babae.


"Sabihin mo sa akin, Anjiri. May alam ka diba?" tanong nito.


Hindi siya nakasagot.


Alam na kaya nito?


"Enjeru, anong nangyayari?" tanong ni Gera dito.


"Diyan lang kayong dalawa at makinig." Pigil nito sa makapangyarihang boses. Hindi naman agad kumibo ang dalawa. Nakatitig ng masama sa kaniya si Enjeru na para bang binabasa ang isip niya.


"Anong alam mo?" malamig na tanong nito.


"Ano bang pinagsasabi mo?"


"Wag ka ng mag-maang-maangan pa!" sigaw nito na bahagya niyang ikinagulat. "Alam kong may alam ka. Yun ang dahilan kumbakit naroon ka sa silid nilang apat. May alam kayong hindi niyo sinasabi sa amin." Asik nito. Halatang pursigido itong alamin ang nalalaman niya.


Hindi siya umimik. Natatakot siya sa pwede nitong gawin oras na malaman nito ang lahat.


"Nadinig ko si Sir Philipe na kausap sina Loo." Kalmadong wika nito pero naroon pa rin ang galit sa mga mata. "Dinukot si Lolo ng nag-ngangalang Conrado." Nabigla siya at halatang napansin yun ng babae. "Sino si Conrado?"


"Enjeru," yun na lang ang nasabi niya.


Nagbabanta ang titig nito.


"Sandali. Dinukot si Lolo?" nagulat si Gera. Pati si Erena ay ganoon din.


Malaking kawalan sa tatlong madukot ang nag-iisang lolo ng mga ito kaya marahil ganoon na lang ka-desperada si Enjeru ngayon.


"Anjiri!" banta nito.


"Pero Enjeru,"


"Sagot!"


Nagulat siya. Nakakatakot talaga ang mga taong galit. Pero pag sinabi niya tiyak na magiging masama ang kahihinatnan. Pero disidido siyang wag magsalita alang-alang na rin sa kaligtasan nilang apat. Lalong-lalo na ang mga ito.


Mukhang hindi naman siya nito sasaktan kaya hindi siya dapat matakot. Kaya lang ay natatakot siya sa titig nito.


Ng di pa rin siya magsalita ay lalong nagdilim ang anyo nitong ikinatakot niya.


"Gera," tawag nito sa babae. "Kunin mo ang scrap book sa study table niya." utos nito na di inaalis ang tingin sa kaniya.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang