Chapter 60 _ Against si Lolo

267 19 0
                                    


Hindi muna umimik si Philipe ng madinig niya ang ikinababahala ni Eugene sa mangyayari.


Tahimik lang ang kaibigan niya sa inuupuan nito na wari'y nag-iisip ng malalim.


"Hindi mo maiiwasan na pwede ngang mangyari yun." ang sagot lang niya dito.


"Pero ayaw ko, mas gusto kong magkaroon sila ng normal na buhay."


"Eugene, kailanman hindi na magiging normal ang buhay nila dahil sa presensiya ni Conrado at dahil sa alam na nila ang paraalang ito."


"Pero ayaw ko." may lungkot na sambit nito.


Tinitigan muna niya ito. "Alam ko kumbakit ayaw mo. Ayaw mong matulad sila sa iyo at sa akin, tama?"


Hindi ito sumagot.


"Pero hindi mo ba naisip na pwede rin silang magkaroon ng magandang buhay tulad mo?"


"Paano kung hindi? Paano kung tulad sila sayo, na hindi na umibig ng iba dahil natali na ang puso mo kay Austina?"


Siya naman ang hindi makapagsalita.


Ngayon ay nalulungkot siyang naalala niya yun. Sariwa pa sa alaala niya ang mga nangyari, sa pagitan niya at ng pinakamamahal na si Austina.


Wala siyang pamilya ngayon dahil umaasa siyang babalikan siya nito.


Si Austina ay isang halimaw na guro ng Vermillion Academy. Nagka-ibigan sila kahit alam nilang tabboo ang mga tao sa halimaw.


Kaya lang sa di malamang dahilan ay umalis ito ng hindi niya alam, labing-siyam na taon na ang nakakaraan. Ipinahanap niya ito pero hindi niya ito matagpuan.


Ngayon ay umaasa na lang siyang babalikan siya nito.


"Hindi sila iiwan, Eugene. Yun ang alam kong sigurado." Yun na lang ang isinagot niya.


Ang tanging concern lang naman ni Eugene ay ang pag-ibig ng mga apo nito. Nababaling lahat ng yun sa mga halimaw na kasama ng mga ito ngayon.


Gusto nitong normal ang buhay ng tatlo pero alam nitong hindi normal ang lahat ng yun.


"Kailangan ko pa rin silang pigilan." Desperadong wika nito.


"Kakausapin mo sila? Ang mga halimaw?"


Hindi ito sumagot na parang naaalangan pa.


"Kaibigan natin sila, siguro naman maiintindihan nila hindi ba?" wika nito maya-maya.


"Pero maiintindihan ba ng mga apo mo?"

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon