Chapter 193_ Bangis ng Taboo

135 12 1
                                    


Nagkaroon ng ideya si Loo.

Ng magpaalam na si Umi ay pasimple niya itong sinundan. Ngayong gabi na ang alis nito at hindi niya palalampasin ang pagkakataong yun. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang nangyayari dito.

Wala namang maghihinala sa kaniya. Aakalain lang siyang normal na paslit na naglalakad.

Hindi niya inaalis sa tingin niya si Umi habang papunta ito sa bahay nito. Nagulat ito sa nakita at kahit siya. May mga lalaki ang nakatayo sa paanan ng pinto ng bahay. Para bang may hindi magandang nangyayari.

"Kailan pa ba kayo aalis dito, tanda. Lumayas na kayo. Ilang ulit ba namin kayo kailangang palayasin?" Galit na asik ng malaking lalaki sa may katandaang lalaki.

"Papa," sigaw ni Umi na agad dinaluhan ang matandang lalaki. "Ano bang ginagawa niyo? Aalis na kami. Yun ang gusto niyo diba?"

"Oo, kailangan niyong umalis. Ikaw ang nagdadala ng salot dito sa bayan na ito. Malandi!" galit na sigaw ng isa.

"Kung hindi ka ba naman pumatol sa isang halimaw, hindi sana mamalasin ang bayan na ito." asik naman ng isa pa. "Ikaw ang nagdala sa kanila dito kaya tayo minamalas."

Nanonood lang si Loo habang nakakubli. Dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito at hindi siya makapaniwala sa nadidinig.

May kasintahang halimaw si Umi. Sa murang edad nito ay nagkaroon ito ng kasintahang halimaw na hindi niya alam kung ano, at nagkaroon ito ng anak na kalahating halimaw.

Nalaman yun ng taong bayan kaya sinugod ng mga ito ang mag-anak at kinuha ang sanggol saka walang awa na pinatay, sinunog din ng mga ito ang asawa nitong halimaw na nagpapanggap lang na tao. Dahil doon ay minalas ang bayan.

Nagkaroon ng tagtuyot sa lugar. Mahirap na ring maka-tanim sa lupang naroroon. May lumalaganap rin na plague. Tinuring ng mga taong salot ang mga ito.

Pero sa totoo lang, wala namang kinalaman ang mga halimaw sa nangyayaring tagtuyot ng bayan. Hindi lang naman kasi doon nangyayari yun kundi pati na rin sa ibang lugar. Hindi pa masyadong moderno ang lugar at malayo pa sa syudad kaya walang alam.

"Umalis na kayo dito!" dalawang lalaki ang lumabas galing sa bahay ng dalawa. May dalang gamit ang mga ito at itinapon sa paligid.

Mabilis yung pinulot ni Umi. "Wag kayong mag-alala, aalis din kami sa bulok na bayang ito."

"Aba't matapang ka ah!" galit na hinablot ng isang lalaki ang braso ng babae. "Kung di ka ba naman malandi, hindi sana mangyayari ito. Bakit ba? Ano ba ang nagustuhan ng halimaw sayo? Pakita naman." Sabay hablot sa damit ng babae.

Napasigaw si Umi na agad tinakpan ang sarili.

Nagulat si Loo. Hindi na niya natiis ang nakikitang pang-aapi dito. "Bitiwan niyo siya!" galit na sumugod siya sa mga ito.

Nagulat ang lalaki ng bigyan niya ito ng headbutt sa tiyan kaya agad nitong nabitiwan ang umiiyak na babae.

"Ru," nasambit nito.

Kaagad naman na hinarap ni Loo ang mga lalaki na nagulat pa dahil sa pagsugod niya.

"Aba't, sino ba ang batang ito?" gulat na sigaw ng lalaki na napahawak sa tagiliran pagkatapos niyang banggain.

"Ru, anong ginagawa mo dito? Umalis ka na! Madadamay ka lang." wika ni Umi sa kaniya.

"Hindi, Umi." Nilingon niya ito. "Ba't di mo agad sinabi sa akin? Ba't di mo sinabi sa akin na ito ang nangyayari sayo? Matutulungan sana kita."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now