Chapter 53 _ Dugong Nakakabaliw

279 19 1
                                    

"Nakita mo ba si Enjeru?" tanong ni Loo sa nadaanang kaklase sa hallway.


"Oo, nagpunta siya doon." Tinuro nito ang likurang dereksyon. "Palagay ko ay nakasalubong niya si Sir Emil." Dugtong nito.


Mabilis niyang pinuntahan ang lugar na sinabi nito at agad nagtanong-tanong sa mga halimaw na madadaanan. Kadalasan sa mga ito ay hindi alam ang sagot pero naroon lamang ang sagot ay kasama si Sir Emil.


Hindi niya maintindihan kung ano ang nakain ng babaeng yun para sumama sa guro.


Lumalandi na naman siguro ito.


Sa kakatanong ay tinuro siya ng mga ito sa faculty room ng mga guro.


Mas nakakagulat yun dahil sa pagkakataong yun, walang halimaw sa faculty room dahil lahat ng guro may klase sa ganong oras. Syempre alam niya yun.


Baka nga gawin yung pagkakataon ng Demonyo para madukot si Enjeru.


Nakita na niya ang saradong faculty room kaya binilisan niya ang pagtakbo palapit.


Ng nasa tapat ay mabilis niyang binuksan ang pinto at nabungaran nga niya ang isang eksina.


May dalawang kahon na dala si Enjeru at tatlo naman ang sa guro nila. Parehong natigilan ang mga ito sa pagdating niya.


Halatang nagpapatulong lang ang guro sa babae.


"Loo, anong ginagawa mo dito?" ang takang tanong sa kaniya ni Enjeru.


Hindi siya nakaimik.


Bigla itong ngumiti ng makahulugan. "Nag-aalala ka ba sa akin ng hindi mo ako makita sa room? Ikaw ha? Nakakahalata na ako sayo." Tukso pa nito na may nakakalokong ngiti at tingin.


Pero hindi siya kumibo.


"Kasintahan mo ba siya Enjeru?" nakangiting tanong ng guro.


Tumawa lang si Enjeru sa tanong na yun. "Hindi po," deretsong sagot nito. Sinulyapan lang siya.


Maya-maya ay lumapit ito sa kaniya.


"Hoy, ano bang problema mo diyan?" tanong nito. "Nagpapatulong lang si Sir na buhatin itong mga gamit niya sa desk niya." paliwanag nito.


Tiningnan ni Loo ang guro na abala pa sa pag-ayos ng laman ng box na dala nito.


"Wala akong tiwala sa kaniya." aniya.


"Ano?" sinulyapan nito ang guro saka tumingin ulit sa kaniya. "Si Sir? Bakit?"


"Dahil isa siyang demonyo."


"Ano ngayon?"

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu