Chapter 150_ Nakakabahalang Kaalaman

137 16 3
                                    


"Ba't di mo gawin, Civ?" si Enjeru na ang bumasag sa katahimikan ng kambal. "Ba't nga ba di na lang kayo magkaayos."


"Hindi ganoon kadali yun, Enjeru. Pakitang-halimaw lang ang pinapakita niya sa atin ngayon. Kilala ko si Shiro at alam kong nagkukunwari lang siya. Tinatago niya ang totoo niyang ugali. Paano naman tayo nakakasiguro na wala nga siyang ginawa kay Gera?"


"Pero ikaw may ginawa na." sagot ni Shiro kaya tinitigan ito ng masama ni Civ. Ngumiti lang ang itim na pusa.


"Kumusta na nga pala ang ate ko?" sagot ni Erena sa lalaki.


"Maayos na siya ngayon." Hinarap nito ang babae. "Palagi nga niya kayong binabanggit sa akin na baka nag-aalala na kayo sa kaniya. Pero ayaw pa rin niyang umuwi. May ayaw siyang makita." Sinulyapan nito ng bahagya si Civ bago nito nginitian si Erena.


"Hindi ba siya nagtatampo kumbakit hindi namin siya sinusundo?" patuloy ni Erena.


"Hindi naman. Kung tutuusin ay siya naman ang umalis eh. Kaya siya rin ang babalik. Hindi pa lang siguro sa ngayon."


Hindi na naalis ang ngiti ni Enjeru habang pinagmamasdan niya si Civ. Hinayaan lang nilang kausapin ni Erena si Shiro. Tutal si Erena naman ang kapatid ni Gera, mas may karapatan itong itanong ang kalagayan ng kapatid nito.


Natutuwa rin kasi siyang panoorin ang reaksyon ni Civ eh. Kanina lang ay madilim na madilim ang anyo nito pero ng madinig ang sagot ni Shiro ay muli itong dinagan ng malaking pagsisisi.


"Alam namin." Hinarap ni Enjeru si Shiro kaya napatingin ito sa kaniya. "Alam namin na inaalis lang ni Gera ang sama ng loob niya kaya hindi namin siya pinuntahan agad dito. Ngayon lang."


"Hindi ba kayo nag-aalala na baka may gawin akong masama kay Gera?"


"Mas mapapasama kung nasa akademya siya eh."


Tinawanan yun ng maiksi ni Shiro.


"Enjeru," mahinang sita ni Loo sa babae. Hindi na kasi niya nagugustuhan ang ginagawa nito. Naaawa na rin siya kay Civ. Sobra na ang dinanas nito. Sigurado siyang sobra-sobra na rin ang pagsisisi nito sa ginawa nito.


"Nong makita mo si Gera ng araw na yun," tanong ni Vam sa itim na pusa. "Kumusta siya?"


Bumuntong-hinga lang si Shiro.


Kaagad naman na tiningnan ni Civ ang kambal para madinig ang sasabihin nito. Nakita niya ang bahagyang pag-iling nito. Gusto rin kasi niyang malaman yun eh. Lumabas ng umiiyak si Gera.


"Hindi ko kayang ipaliwanag eh." Sagot nito pero sa kaniya nakatitig. "Basta ang alam ko lang, parang gumuho ang mundo niya."


"Paano ka nga ba niya nakilala?" natanong ni Loo.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now