Chapter 182_ Pagpapatawad

140 15 1
                                    

"Kilala ang mga Casting na pumapatay ng sariling kalahi." Pagkukwento ni Victor.

Walang kibo si Vam habang nakatingin lang sa mga magulang ng magsimula ng magkwento ang mga ito. Nakatayo lang siya sa tapat ng mga magulang habang ang mga kaibigan ay nasa kotse na at naghihintay.

Binigyan lang siya ng privacy ng mga ito para makausap ang pamilya.

Pagkatapos ng nangyari kay Dean ay inuwi na ito ng iba pang Walker. Nangako ang mga ito na hindi na ulit gagawa ng kung ano pa man laban sa pamilya niya.

Hindi rin pumayag si Vam na hindi sabihin ng mga magulang niya ang gustong sabihin sa kaniya ni Dean kanina.

"Pumapatay ng sariling kalahi?" mahinahong ulit niya.

Tumango ang papa niya. "Hindi ng iba pang lahi kundi ng kahit na sino. Kinatatakutan ang mga Casting noong unang panahon. Umalis ako para itigil na ang lahat ng yun. Nag-asawa ako at bumuo ng pamilya. Kinalimutan ko na ang dating gawi ng mga Casting, kaya lang, ipinanganak kang ganyan."

"Abnormal?" si Vam na ang dumugtong.

Matagal bago ito tumango.

"Marahil, nangyari sayo yan dahil sa nagawa kong kasalanan dati. Hindi ko matanggap yun lalo na ng kagatin mo ang mga kapatid mo. At hindi lang yun, pati na rin ang iba pang mga halimaw."

"Kung ganoon, binalikan ka ng karma mo."

Hindi sumagot si Victor.

"Siguro nga." Si Crystal ang sumagot. "Mali ang naging trato namin sayo, Vam. Nadala kami ng matinding takot."

Pinagmasdan lang ni Vam ang ibang pamilya na walang imik.

Masama ang loob niya sa naging trato ng mga ito sa kaniya. Ni minsan ay hindi niya naramdaman na minahal siya ng mga ito.

"Tapos na lahat ng yun." wika na lang niya. "Maayos na ako ngayon. Pakiusap, wag niyo na lang akong pakialaman kung hindi rin mababago ang trato niyo sa akin."

"Vam," nasambit ng papa niya.

"Masaya na ako kung nasaan ako. Naibigay ng Vermillion Academy ang pagtanggap na hinahanap ko. Sana lang wag na kayong gumawa ng kakaiba. Hindi pamilya ang trato niyo sa akin pero kayo pa rin ang pamilya ko at hindi ko makakalimutan yun."

"Patawarin mo kami." Lumapit ang mama niya at hinawakan ang mga kamay niya. "Malaki ang pagkukulang ko bilang ina mo. Hindi ko na mababawi pa yun kaya patawarin mo ako Vam. Naging masamang ina ako sayo."

"Patawarin mo kami."

Pinagmasdan lang ni Vam ang pamilya na pare-parehong may pagsisisi sa anyo. Hindi niya alam kumbakit mistulang nahipan ng hangin ang mga ito.

"Pinapatawad ko na kayo." Nginitian niya ang mga ito. "Wala na akong sama ng loob sa inyo matagal na. Pero hindi na ako babalik dito, sana maintindihan niyo."

Parehong tumango ang mga magulang niya.

"Pero pwede ka namang dumalaw, diba kuya?" tanong ni Savana.

"Kung may pagkakataon." Sagot niya. Tumingin siya kalangitan. Unti-unti ng lumiliwanag. Muli niyang sinulyapan ang pamilya. "Kailangan ko ng umalis. Sumisikat na ang araw." Paalam niya.

~~~~~~

"Ang tagal naman ni Vam." Reklamo ni Erena mula sa loob ng sasakyan.

Malapit ng sumikat ang araw. Mas maigi na yung safe siya sa loob.

Nauna na sila sa sasakayan at hinihintay lang nila si Vam na sumunod.

"Sandali, baka ikinulong na naman siya ng pamilya niya ha? Pagkatapos natin silang tulungan." Aniya sa mga kasama.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum