Chapter 85 _ Vampire in Shining Fangs

243 18 0
                                    

Napakurap si Erena ng makita ang pinuntahan nila ng mga kaibigan niya.


'Black Coffin' ang pangalan ng Club. Imagine, Club.


"Ano to?" tiningnan niya ang mga kasama doon.


"Mga tambayan ito ng mga Goth people na tulad namin." Si Tess ang sumagot. Bigla itong nagsuot ng pekeng pangil ng bampira.


"Pero menor de edad pa tayo. Hindi pa tayo makakapasok diyan." Kontra niya.


"Wag kang mag-alala, Erena. Kilala ko ang nagbabantay sa pinto. Papapasukin niya tayo." Si Richard ang sumagot na ganoon din ang ginawa.


Pati na rin si Jean saka nito inabot sa kaniya ang pekeng pangil. "Isuot mo ito. Isa sa requirement yan."


"Talaga?" kinuha niya yun.


"Yep, wag kang mag-alala. Maganda sa loob." Si Tess.


Hinila na siya ng mga ito ng maisuot niya ang pangil niya. Totoo ang sinabi ni Richard na kilala nito ang nagbabantay sa pinto kaya nakapasok din siya.


Pumailanlang agad ang mga musica ng Evanescense sa loob. Mga Skipknot o Metalica at kung ano-ano pang mga heavy metal at punk music o ewan basta yung mga maiingay at halos hindi na alam kung ano na ang lyrics dahil sigaw lang ng sigaw ang mga singer.


Ang daming tao agad ang sumalubong sa pagpasok nila. Lahat nakaitim at may kanya-kanyang istilo ng suot.


Ang daming nagsasayaw sa dancefloor na sinasabayan pa ang maiingay na musica. Madilim at tanging mga pailaw lang ng nagsisilbing ilaw doon.


"Ang ganda noh?" halos pasigaw na tanong sa kaniya ni Jean.


Tumango na lang siya para di ma-offend ang mga ito. Hindi maganda. Ang gulo nga eh.


Halos lahat ng tao doon ay may suot na pekeng pangit ng bampira.


Anong malay niya baka ilang tao doon ay mga bampira. Higit na mas kilala niya ang mga totoong bampira kesa sa mga tao doon.


Sa isang lalaki napadako ang mga mata niya habang may kasayaw itong babae. May pekeng pangil ito at naka-contact lens ng pula. Sobrang putla nito at para bang ang lamig ng katawan nito kapag hinawakan. Nagawi ang mga mata niya sa teynga nito.


Napanganga na lang siya dahil matulis yun na katulad ng kay Vam. Naiiba ito kesa sa mga naroroon.


Ibig sabihin, totoong bampira ito?


Napatingin ito sa kaniya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.


May totoong bampira din pala sa malaking syudad na yun. O baka naman, dayo lang ito.


Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon