Chapter 16 _Booth ng A-Plus

472 21 0
                                    

And so, si Enjeru nga ang napag-atasang maghanda para sa Event nila ngayon Holloween kasama si Cookie. Nag-agree ang lahat dahil pagkakataon na yun para ma-date ang mga halimaw na gusto.


Isang linggo na lang ang hihintayin para dumating ang Holloween na inaabangan ng lahat.


Iba't-ibang event ang gaganapin.


Pagsapit ng Hapon, maghahanda ang lahat para sa isang malaking patimpalak kung saan lahat ng studyante ay kasali. Tiyak daw na ikatutuwa yun ng lahat.


Pagkatapos ng patimpalak ay saka gaganapin ang whole Bonfire kung saan magsasalo-salo na ang lahat. Doon na rin tatapusin ang okasyon ng Holloween.


"Dito sa silid na ito natin gaganapin ang Blind date Booth. Dapat may tig-iisang mesa dito na may dalawang upuan. Lagyan natin ng flower vase ang gitna. Sa labas ang reception natin para sa mga halimaw na gustong magpa-lista. Kailangan nating mag-assign ng mga halimaw na kilala lahat ng studyante dito para mang-huli. Kailangan nating gumawa ng mga flyer o kahit tabloid lang para ipaalam sa lahat ang event natin." Salaysay ni Enjeru kay Cookie. Tumatango lang ito.


Ito ang magiging kasama niya para mag-ayos sa event nila. Ito kasi ang may kapangyarihan para mapasunod ang lahat.


"Sige, naiintindihan ko." sagot lang nito.


"Hindi niyo ba tutulungan ang pinsan niyo?" tanong ni Mun sa magkapatid habang nakaupo lang silang lahat sa upuan nila. Vacant kasi nila kaya pwede nilang gawin ang kahit ano. Basta bawal lumabas.


"Kaya na niya yan. Isa pa, kasama naman niya si Cookie." Sagot lang ni Gera.


"Blind date," wika ni Vam habang kinakamot ang baba. "Interesting nga yung pakinggan ha?"


"May interesado ka bang i-date?" tanong ni Erena.


"Hindi na Blind date yun kung alam ko kung sino."


"Blind date para sa kaniya." katwiran nito.


"Pwede din tayong magpalista sa sariling Booth natin?" tanong ni Brain.


"Pwede naman, basta wag lang kalimutang tumulong." Si Gera.


"Ibig din bang sabihin nito, walang posibleng makipag-date sa inyo dahil mga tao kayo." Natatawang tanong ni Vam sa kanila. Siniko pa nito ang natutulog na si Loo.


Hindi naman ito tuminag pero tiyak naman na nakikinig ito.


Tumawa ng mapakla si Erena. "As if naman gusto namin."


"Oo nga naman. Sino ba kasi ang gustong makipag-date sa inyo? It's a taboo." Si Mun ang nagsalita sabay tingin sa malayo.


"Exactly," sagot ni Gera.


"Hindi pa rin sigurado yun," singit ni Loo. Ngayon ay salo na nito ang ulo. "Kahit karamihan dito ayaw ng mga tao, marami din naman ang may gusto."

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now