Chapter 183_ Life in Paris

132 11 0
                                    

Ng dahil nga sa nangyari ay napilitan si Eugene na i-drop si Erena sa pinapasukan nito at ilipat na lang sa Vermillion Academy. Wala ring saysay kung doon ito mag-aaral sa pinapasukan dahil hindi nito kayang lumabas kapag tirik ang araw.

Naisip din naman niya na mas mabuting nandoon ito para maturuan ng mabuti ni Vam kung paano maging bampira.

Kaya si Gera na lang ang naiwan sa paaralan at mag-isang nag-aaral doon.

Si Enjeru naman ay nasa Paris pa rin. Para bang hindi na nito gustong umuwi kahit dumaan ang mga birthday ng pinsan ay tanging pabati sa tawag lang ang ginagawa nito. Nangatwiran pa itong abala sa pag-aaral.

Ilang buwan din ang nagdaan pagkatapos ng huling insedent na nangyari. Sa pagkakataong yun ay wala namang kaguluhan ang nangyayari.

Lalo na dahil, malapit na ang halloween.



~~~~~~~

"Malapit na ang halloween. Naalala ko tuloy kung paano tayo nagkakilala." Natutuwang sabi ni Erena sa kasintahan.

"Sa pagkakaalala ko ay madalas naman kayong mag-away eh." Ang mungkahi ni Mun.

Napangiti lang ng pareho ang dalawa.

"Totoo nga pala talaga na magkakaunawaan din ang madalas na mag-away. Nag-aaway din tayo noon, diba Mun?"baling ni Anjiri dito.

"Dikit ka lang ng dikit sa akin noon."

"Dahil napaka-adorable mo." Gigil na sambit nito.

"Ano na naman kaya ang naisip na pakulo ni Sir Invinsible man ngayong halloween." Ang tanong ni Brain.

"Baka naman sa pagkakataong ito ay Bingo na talaga. Hindi naman kasi yun ang ginawa natin last year diba?" sagot naman ni Pu.

"Pero nag-enjoy naman ako sa Blind date na ginawa ni Enjeru last year." Dutong ni Sit.

"Come to think of it, simula nong mag-aral na si Enjeru sa Paris ay hindi na siya nadalaw dito. Babalik kaya siya dito ngayong halloween para makisaya?" tanong ni Cookie.

"Sana nga siya na lang ang nagbigay ng pakulo natin." Anang isa pang kaklase.

"Babalik kaya siya?"

"Hoy, Erena. Babalik ba ang pinsan mo dito?"

Tiningnan ni Erena ang mga kaklase na ngayon ay nakatingin sa kaniya.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Hindi ko alam. Marahil sa pagkakataong ito ay hindi pa siya handang bumalik."

Pasimple niyang tiningnan si Loo na nakahiga lang sa desk nito tulad nong una nila itong makita.

Nagsisimula na kasing lumamig kaya napapadalas na naman ang tulog nito.

Napangiti lang siya dahil napansin niya ang bahagyang pag-galaw ng teynga nito. Hindi naman talaga ito tulog eh, nagpapahinga lang.

Natahimik na silang lahat ng pumasok na ang guro nilang si Sir Invinsible man.

Isang linggo na lang ang hihintayin para sa halloween kaya naghahanda na ang lahat. At sa pagkakataong yun ay maghahanda na din sila.

"Good morning," bati nito. "So, bago ko sasabihin ang magiging event natin. Baka meron sa inyo ang may suggestion?"

Walang sumagot na nagkatinginan lang at naghihintay na may magtaas ng kamay. At meron nga. Si Cookie.

"Sir, hindi mo naman siguro ginagawa ito dahil baka may mag-suggest na naman noh?" tanong nito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Where stories live. Discover now