Chapter 188_Maling Sagot

123 14 0
                                    

"Kuya daw," Nagawa pang manukso ni Shiro sa kapatid na sumimangot lang

Pinamulahan si Gera. "Tika, sandali." Akmang tatayo siya ng mabilis siyang pigilan ng kapatid. Syempre bampira na ito at malakas. "Erena."

"Ikakasal kayo sa ayaw o sa gusto mo." sambit nito.

"Ano?" nagwala siya. "Force marriage ito. Civ." Tawag niya ang pusa pero nagulat siya dahil nakapulopot na din dito ang benda ni Mun at halatang hindi na nito gustong manlaban.

"Face it, Gera. Walang nakakaalis dito ng hindi kinakasal." Si Anjiri na tinanguan lang ni Mun.

"Civ." Tawag niya dito. "Wala ka bang gagawin? Nasaan na yung kalmot moves mo ala-game." Aniya.

Pero di ito kumibo. At hindi din siya tiningnan.

Parang alam na niya kung ano ang nasa isip nito.

"Ikaw lalaki," pasimula kunwari ni Vam as if pari ito. "Tinatanggap mo ba si Gera na maging kabiyak ng iyong puso, Till death do you part?"

"Vam!" asik niya.

Pero di ito nakinig na hinihintay lang ang sagot ni Civ.

Hinintay na din niya ang sagot nito.

"Opo,"

Nanlaki ang mga mata niya at di din naiwasang wag pamulahan.

"Laro lang ito, Gera. Wag kang maparanoid." Natatawang wika sa kaniya ni Shiro. Natahimik ito ng titigan niya ng masama.

"Sus, naman to. Parang di kayo naka-level eight ni Civ eh."

Pinandilatan niya si Anjiri pero tumawa lang ito ng malutong.

"Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba si Civ bilang—"

"Hindi! Hindi, hindi, hindi." Malakas na sagot niya.

Napasinghap ng malakas ang mga halimaw sa sinagot niya at kahit si Civ ay nagtatakang napatingin sa kaniya. May hinanakit din sa mga mata nito.

Tika lang, wag naman sana nitong seryosohin ang lahat ng yun?

"Civ, laro lang ito diba?" alanganing tanong niya dito.

Nag-iwas ito ng tingin. "Alam ko." matabang na sagot nito.

Napangiwi siya at gustong sumpain ang sarili. Wag naman sana nitong sabihing dinibdib nito ang sinabi niya. Hindi naman sa ayaw niyang makasama ito.

"Ate, hindi mo mahal si Civ?" gulat na tanong kunwari ni Erena sa kaniya.

Napaungol ang mga halimaw doon.

"Pero diba magkasintahan kayo?" tanong ni Brain.

"Baka naman di mo talaga siya minahal?" anang isang halimaw.

Gusto niyang paguumpugin ang ulo ng lahat ng halimaw doon. Di naman kailangan seryosohin yun diba?

Tiningnan lang niya si Civ sa tabi. Nakaiwas ito ng tingin. Halatang masama pa rin ang loob sa sinabi niya.

Well, hindi ba magandang senyalis yun? Siya ang gusto nitong pakasalan at hindi na si Meriam?

"Ano ba kayo?" inis na sita niya sa mga halimaw. "Wala namang ibig sabihin ang sinabi ko sa nararamdamn ko eh. Laro lang ito diba?" nakakainis.

"Exactly, laro nga lang ito so bakit ayaw mong makisakay." Tanong ni Anjiri sa kaniya. Nakangisi ito at para bang alam naman kumbakit.

Pinamulahang napalabi siya. "Nakakahiya lang noh?" iniwas niya ang paningin ng lingunin siya ni Civ.

"O baka nman iniisip mong hindi laro ito kaya—"

"Ahh," sinadya niyang sumigaw para di madinig ang sasabihin ni Loo. Mas nakakahiyang malaman pa yun ng lahat eh. "Ok, ok,ok. Sige. Repeat." Aniya kay Vam.

Napangiti si Vam. "Okay, I repeat. Ikaw Gera, tinatanggap mo ba si Civ na maging kabiyak ng iyong—"

"I do." Sagot agad niya.

Natahimik agad si Vam. "Excited much sa honeymoon?"

Tumitig lang si Gera sa bampira. Sinulyapan niya si Civ sa tabi at nakangiti na ito.

"Ba't ka naman nakangiti?" namumulang tanong niya dito.

"Ang cute mo kasi."

Inis na hinagis niya dito ang bulaklak na ikinatawa lang nito. Nasapo na lang niya ang noo at napailing.

"Mamaya ka sa akin Erena." Banta niya sa kapatid.

Tumawa lang ito ng malutong. "Try me, bampira yata ito." mayabang pang sagot.

"Oh yeah. May bawang ako dito."

Natigilan ito. "Maglaro ka na lang."

"By the power vested in me," patuloy ni Vam. "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Gulat na napatingin si Gera kay Civ. May pagtataka din sa mukha nito na napatingin din sa kaniya.

Naghiyawan naman sa tuwa ang mga lintik na halimaw. Mga audience kunwari pero mga kaklasi lang din naman nila ang mga yun.

"Kiss the bride?" tanong ni Gera kay Vam.

"Oo naman. Ganoon ikasal ang mga tao diba?"

"Hindi ba ganito ang sa bampira?"

"Noo," ang bilis ng sagot nito. "Hindi mo gugustuhing makasal ng tulad ng sa bampira, Gera." May pagbabanta pa sa boses nito. "Anyway, I repeat, you.." hinarap nito si Civ. "may now kiss your bride."

"Totohanan?" tanong ni Civ.

"Of course. Ba't naman hindi eh magkasintahan naman kayo. Wag na nga kayong mahiya, kung di ba naka-level eight eh."

"Vam!" gigil na asik ni Gera sa kaibigan.

Nag-chant naman ang kaklase nila na mag-kiss kaya pinamulahan si Gera ng sobra.

Lalo pa siyang nagulat ng iniharap siya ni Civ at inalis nito ang viel sa ulo niya. "Anyway, nakadami na naman tayo eh. Hindi na ito kawalan diba?"

Hindi nakapagsalita si Gera sa gulat lalo na ng bigyan siya ng matamis na ngiti ni Civ.

"Oy, nakadami daw. Gaano karami? Narating niyo ba ang last level?"

"Gago tumigil ka nga." siniko ni Mun ang kaibigang bampira na mas na-excite pa kesa sa kanila. Parang kinilig pa nga ang lintik na bampira eh.

Hindi nakakilos si Gera ng hawakan ni Civ ang baba niya. Lumalakas naman ang kinikilig na tili ng mga kaibigan nila.

Hindi na rin nakapalag si Gera habang nakatitig sa mata ng kasintahan. May saya sa mga mata ni Civ habang nakatitig sa kaniya. At naaakit siya sa titig na yun dahil wala na siyang nakikitang ibang tao sa repleksyon nito kundi siya.

"Dadating din naman tayo dito, sooner or later." Wika nito.

"Seryoso?" natanong niya.

"Ayaw mo ba?"

Hindi nakapagsalita si Gera. Naghahalo na ang nararamdaman niya kaya hindi niya magawang makapagsalita.

Nagpo-propose ba ito sa kaniya?

Hindi pa rin siya nakaimik kahit ng unti-unti ng lumalapit si Civ sa kaniya at lumalakas ang tilian ng mga kaklase.

Bigla nitong iniliko ang ulo niya at hinalikan siya sa pisngi kasunod ang nanghihinayang na sigaw ng mga kaklase.

Tumawa naman ng malutong si Civ sa nakikitang reaksyon ng lahat. Halatang tinutukso lang ang mga kaklase.

Pero hindi pa rin magawang makapagsalita ni Gera.

Parang gusto niyang mahimatay sa nangyayari eh.

=================

Next, Chapter 189_ Walang Benda

Updates on 3/3

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Onde histórias criam vida. Descubra agora